Advertisers
NAHAHARAP sa imbestigasyon ang isang taxi driver sa Iloilo City nang manood ng porno sa kaniyang cellphone habang katabi ang pasaherong isang transgender.
Magsasagawa ng imbestigasyon sa insidente ang lokal na pamahalaan at ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board-Region 6 matapos kumalat sa social media ang kalibugang ginagawa ng taxi driver.
Kinunan kasi ng video ng pasahero, na itinago sa alyas na “Ken”, ang insidente. Ipinost niya ito sa social media para raw mabigyan ng babala ang ibang pasahero na maaaring mabiktima ng manyak na driver.
Ayon kay Ken, ang nasa isip niya nalang ng sandaling iyon ay ang kaniyang kaligtasan na baka mayroong dalang patalim ang driver.
Sa video, makikita pa na hinahawakan ng driver ang kamay ng kaniyang pasahero, na nagkaroon ng trauma sa pangyayari.
Nakipag-ugnayan na ang Iloilo City govt sa biktima para sa isasagawang imbestigasyon kasama ang LTFRB.
Sinusubukan pang makuha ang panig ng taxi operator at driver tungkol sa insidente, ayon sa ulat.