Advertisers
ARESTADO ang magkakamag-anak, kabilang ang isang buntis, nang mahulihan ng higit 7 kilong shabu na nagkakahalaga ng P48 million sa isang buy-bust operation nitong Martes sa Barangay Don Bosco, Parañaque City.
Kinilala ng direktor ng Southern Police District (SPD) na si Brigadier General Kirby John Brion Kraft ang mga suspek na sina Normina Egoy, 38 anyos, buntis; mister nitong si Alfredo, 48; at bayaw na si Alvino, 47.
Sa report, nakatanggap ng tip ang mga pulis hinggil sa ilegal na aktibidades ng mga suspek.
Ikinasa ang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng SPD, NCRPO, PDEA at Paranaque City Police 2:30 ng hapon sa Barangay Don Bosco.
Nasamsam mula sa mga suspek ang 7.2 kilong shabu na nagkakahalaga ng P48,960,000.00, drug paraphernalias (weighing scale, plastics, lighter), 6 cellphones, record notebooks, bank slips, financial documents at ATM bank cards. (Gaynor Bonilla/Mark Obleada)