Advertisers

Advertisers

Hindi raw tao ang nasa loob ng kabaong… BANGKAY SA ATAUL INILABAS NG LASING, IBINAGSAK!

0 169

Advertisers

ARESTADO ang isang panday na lango sa alak nang buhatin at ilabas mula sa kabaong ang nilalamayang bangkay at ibinagsak sa sahig sa Barangay Tuao North, Bagabag, Nueva Vizcaya, Martes ng umaga.

Nahaharap sa patung-patong na kaso ang panday na nakilalang si Teofilo Sanorias, 58, residente ng Purok 2 sa naturang barangay.

Ayon kay Major Jolly Villar, hepe ng Bagabag Police, nakatanggap sila ng ulat kaugnay sa kaguluhan sa isang lamayan sa burol na agad nilang nirespondehan.



Sa imbestigasyon, nabatid na habang binabantayan ni Shiela May Nale, 29, ang bangkay ng kanyang amang si Gonzalo Espinoza sa loob ng kanilang tahanan at may mga nakikipaglamay nang pumasok ang lasing na si Sanorias at lumapit sa kabaong.

Habang pinagmamasdan ang bangkay ay sinabi nito na: “Hindi naman ito tao” at mabilis na binuksan ang kabaong saka binuhat ang bangkay at inihulog sa lapag, na ikinagulat din ni Estrella Espinosa, 62, ang asawa ng namatay.

Nagdulot ng kaguluhan sa burol nang hindi magpaawat si Sanorias habang patuloy sa pagsisigaw ng mga masasamang salita laban sa mga tao na nasa loob ng bahay.

Pinagtulungan ng mga residente dakpin ang nagwa-walang si Sanorias at ipinasakamay sa mga rumespondeng pulis.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">