Advertisers

Advertisers

5 binatilyo timbog sa carnapping

0 244

Advertisers

ARESTADO ang limang binatilyo matapos tangayin ng mga ito ang isang kotse sa Biñan City, Laguna.

Ayon kay Lt. Colonel Virgilio Jopia, hepe ng Biñan City Police, 6:30 ng hapon ng Martes nang madakip ang mga suspek sa Phoenix Fuel Station, Barangay Canlalay, Biñan City na pawang residente ng nasabing lugar.

Sinabi ni Jopia, dumulog sa kanilang tanggapan ang may-ari ng kotse nitong Hunyo 17 para ipa-blotter ang pagtangay sa kanyang kotse ng mga suspek.



Agad naglatag ng hot-pursuit operation ang Laguna-PNP kasama ang Regional Highway Patrol Unit 4-A Motorcycle Team at Laguna Provincial Highway Patrol Team na nagresulta sa pagkakadakip sa limang kabataan.

Nakuha sa mga binatilyo ang Toyota Altis at iPhone 12 Promax na tinangay ng mga ito.

Dinala sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development-Bahay Pag-Asa para sa kustodiya at nahaharap sa kasong carnapping. (KOI LAURA)