Advertisers

Advertisers

Senglot nagdamdam kay misis, nagbigti

0 115

Advertisers

Pagtatalo dahil sa madalas na pag-inom ng alak ang maaring dahilan kaya nagpatiwakal ang isang lalaki sa Tondo, Maynila Linggo ng umaga.

Naisugod pa sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Jun Alexis Dorwego ng Madrid St., Tondo ngunit idineklarang dead on arrival sa pagamutan.

Sa imbestigasyon ng MPD-Station 1, natagpuang nakalambitin ang biktima 8:30 ng umaga sa loob ng kuwarto sa ikalawang palapag ng kanilang bahay gamit ang shoelace o sintas ng sapatos.



Sa imbestigasyon, nagkaroon umano ng pagtatalo ang biktima at kanyang maybahay na si Gellie dahil sa patuloy nitong paglalasing.

Gayunman, kinabukasan natuklasan na lamang ng ginang ang biktima na nakalambitin sa kisame ng kanilang kuwarto.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente kung may naganap na foul play o sadyang dinamdam ng biktima ang pagtatalo nila ng kanyang misis.(Jocelyn Domenden)