Advertisers

Advertisers

Mayor Binay bayaan mo na kami sa Taguig?

0 159

Advertisers

Hindi suportado ng mga Makatizen si Makati City Mayor Abby Binay sa pahayag nitong “ tuloy ang laban” sa isyu ng paglilipat ng 10 barangay sa hurisdiksyon ng Taguig dahil ang totoo ay marami ang nais na talagang mag-over-the-bakod, ang kanilang dahilan—makaiwas sa sobrang pamumulitika sa lungsod.

Hindi lingid sa ating kaalaman ang mainit na bangayan ng Binay Siblings, sina dating Makati City Mayor JunJun Binay at Mayor Abby, sa tindi ng away ay maging si dating Vice Preisdent Jejomar Binay ay tiklop at hindi nangingialam sa away ng magkapatid. Ang naiipit sa gitna ng ganitong away ay ang mga constituents.

Nang lumabas ang final and executory decision ng Korte Suprema sa Taguig-Makati territorial dispute maraming residente na nakapanayam ng media ang nagsabing bukas sila na lumipat sa Taguig para maiba naman ang “political atmosphere”.



Hindi isyu sa kanila ang benefits na natataggap ng Makati gaya ng sinasabi ni Mayor Abby dahil kaparehas lamang ng Makati ang Taguig pagdating sa benepisyong naibibigay sa kanilang mga residente. Sa katunayan, isyu pa nga di ba ang pagtanggap ng benepisyo sa Makati dahil inaangal na ang benepisyo ay para lang sa Binay supporters.

Ang hangad ng mga residente ay magkaroon ng “kapayapaan” at makaiwas na sa pamumulitika. Ramdam ko sintimyento ng mga Makatizen dahil nakakapagod at nakasasawa naman talaga ang bangayan sa pulitika, lalo sa Makati na teritoryo ng mga Binay.

Para patunayan ang aking sinasabi, nakakuha tayo ng kopya ng isang liham mula sa PEMBO residents na kanilang ipinadala sa Taguig LGU. Nakasaad sa dalawang pahinang sulat ang kanilang kagustuhan na makumpleto na ang take over sa kanila ng Taguig.

“Please extend the needed hope for our friends and constituents who only want to be free from suppression and cruelty that has been a result of the family feud of the Binay siblings. Our people only want to have a decent life and work. We don’t have anything to do with their sibling’s rivalry”

Mababasa sa sulat ng mga PEMBO residents na nagpapasaklolo sila sa Taguig na bilisan ang transition at maging residente na sila ng Taguig.



Si Mayor Binay din ang dahilan ng pagkawatak watak ng suporta sa kanya ng kanyang mga constituents, ang pagmamatigas nito na ituloy pa rin ang laban sa territorial dispute ay lalo lamang nagdudulot ng tensyon at bandang huli ay mismong residente na ang umaayaw at nagsasabing na “awat na Mayor, Kataas taasang hukuman na ang nagtuldok na kami ay para sa Taguig”.

***

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag txt o tumawag sa 09352916036