Advertisers

Advertisers

Lalaki patay sa kidlat habang nagtatanim ng palay

0 114

Advertisers

HINDI umabot ng buhay sa ospital ang isang magsasaka na tinamaan ng kidlat habang nagtatanim ng palay sa bukid sa Sta. Lucia, Ilocos Sur.

Kinilala ang biktima na si Leo Rosimo, 42 anyos, ng Barangay Conconig West.
Inabutan pa ng mga awtoridad ang biktima na nakahiga sa palayan. Wala siyang malay at may nakitang dugo sa kaniyang tainga.

“Yung biktima nagtatanim ng palay. According sa report ng mga staff ko, walang kasama yung biktima. Pero nakita nila na nung kumidlat nang malakas, nakita nila na ‘yon yung magsasaka ang natamaan,” ayon kay Romeo Buenavista, Sta Lucia, DRRM Officer.



Payo ni Buenavista, umalis sa mga open area kapag kumidlat lalo na sa lugar na may tubig dahil hindi ito ligtas.