Advertisers

Advertisers

Barangay chairman sa Bulacan patay sa ambush

0 203

Advertisers

NASAWI ang isang barangay chairman nang pagbabarilin sa loob ng kanyang sasakyan sa Norzagaray, Bulacan.

Kinilala ang biktima na si Marcelino Punzal, 63 anyos, chairman ng Barangay Bangkal, habang ang salaring lalaki ay nakasuot ng blue t-shirt lulan ng black Kawasaki motorcycle.

Sa report ng Norzagaray Police, naganap ang insidente 7:30 ng umaga ng Biyernes, Hunyo 16, sa kahabaan ng Sapang A, Eden Ville, Brgy. Partida.



Ayon sa report, nagmamaneho ang biktima ng kanyang Mitsubishi Estrada nang pagbabarilin ng lalaking lulan ng motordsiklo. Tinamaan ang biktima sa ulo at katawan, dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Agad tumakas ang salarin sa direksyon patungong bayan ng Sta. Maria, ayon sa salaysay ng isang babaeng saksi sa pulisya.

Nakita sa crime scene ang tatlong basyo at tingga ng caliber .45

Nangangalap pa ng CCTV footage sa krimen ang pulisya. – Tony Arcenal

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">