Advertisers

Advertisers

6 estudyante sugatan sa sumabog na alcohol

0 139

Advertisers

SUGATAN ang anim na mag-aaral nang sumabog ang mga bote ng alcohol nang sindihan ng lighter ng kanilang kaklase, Biyernes ng tanghali sa Capoocan, Leyte.

Nilapatan ng lunas sa Carigara District Hospital nang magtamo ng 2nd degree burn sa katawan ang apat na lalaki at dalawang babae na mga nasa edad 11 at 12, lahat grade 6 pupils sa Capoocan Central School.

Ayon kay Major Herbert Prias, hepe ng Capoocan Municipal Police Station, 12:00 ng tanghali, lumabas ang guro ng mga estudyante dahil sa mayroon itong miting sa mga opisyal ng Department of Education (DepEd) sa kalapit na bayan sa Leyte.



Habang nasa loob ng kanilang silid-aralan ang mga biktima, naisipan ng isa sa mga ito na kunin ang mga bote ng alcohol na walang laman at inilagay sa mesa ng kanilang guro.

Dito, kinuha ng mag-aaral ang isang galon ng alcohol at sinalinan ang mga bote na walang laman saka naman lumapit ang kaklase na may hawak na lighter at sinindihan ang mga bote ng alcohol, dahilan para sumabog ang mga ito.

Dinala ng mga tauhan ng MDRRMO Capoocan ang mga biktima sa ospital para lapatan ng lunas.

Wala pang pahayag ang pamunuan ng Capoocan Central School hinggil sa insidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">