Advertisers

Advertisers

SAMPAL SA KARAPATAN

0 94

Advertisers

NAGPATUTSADA noong buwan ng Mayo pa ang grupong KARAPATAN na may mga militanteng estudyante raw ang dinukot ng militar partikular na ng 501st Infantry Brigade ng Army.

Pero nitong June 5, 2023 dalawa sa tinutukoy ng KARAPATAN ay lumutang at bilang panauhin sa programa ng National
Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), at nagsabi na HINDI sila dinukot ng militar.

Sa pulong balitaan na iyon ng NTF-ELCAC sinabi nitong sina Cedric Casano at Patricia Nicole Cierva, mga mag-aaral ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) at ng University of the Philippines (UP), na ang kanilang pagkawala ay sa kadahilanang ‘narecruit’ sila bilang mga New People’s Army (NPA).



Pinabulaanan nila ang kasinungalingan ng Karapatan-Cagayan Valley na sila ay dinukot ng 501st Infantry Brigade.

Bakit ko inkinikwento ito sa inyo? Dahil kung kayo ay nakabasa ng kasinungalingang ipinakakalat ng mga organisasyon dikit sa mga komunistang-terorista na CPP-NPA-NDF, gaya ng KARAPATAN, ay kailangang maipa-alam sa inyo na propaganda lamang ito. Para siraan ang pamahalaan at ang Marcos Administration.

Sabi nila Casano at Cierva, ang totoo, nang mga NPA na sila, isinabak na rin sila sa pakikipagbanatan sa mga tropa ng pamahalaan. Pinahawak ng baril at tinuruang pumatay ng kapwa nila Filipino.

Sa katunayan, dagdag pa ng dalawang militanteng estudyante lamang noong una, at naging NPA fighter na, pinili na nilang sumuko na lamang, kaysa mapaslang, gaya nang nangyari sa kanilang mga lider at kasamahan. Ang kanilang pagsuko ay naganap sa Barangay Cabiraoan Gonzaga, Cagayan noong May 16, 2023, at hindi noong May 18, 2023 na ipinipilit din ng Karapatan sa mga social media account nila noong May 25, 2023.

Ang kwento pa ni Cierva, kaya sila sumuko, ay hirap na hirap na sila sa katatago, takbo ng takbo, para takasan ang mga tumutugis na tropa ng pamahalaan. Wala na raw silang makain o supply na kahit panglugaw man lang. Kaya kaysa namatay sa gutom o enkwentro sumuko na lamang sila.



Tama naman ang kanilang ginawa, ngayon ay maayos na ang kanilang kalagayan, inilagaan pa ng ating mga kasundaluhan at pinangkuang tutulungan upang makabalik ng maayos sa tamang lipunang dapat ay kanilang ginagalawan.

Ang KARAPATAN ay walang karapatan na linlangin ang mga mamayan, lalo na ang ating mga kabataan na kanilang hinihikayat sa ating unibersidad para lamang gawing mandirigmang NPA.

Ang mga organisasyong ito ay di dapat kailan man paniwalaan.