Advertisers
Ni BETH GELENA
PURING-puri ni Marjorie Barretto si Gerald Anderson nang maging guest niya ang boyfriend ng anak niyang si Julieta Barretto sa kanyang YouTube Channel.
Pinagluto pa ni Marjorie ng actor ng chicken curry para sa kanilang lunch.
Request umano ni Gerald ang chicken curry dahil favorite raw iyun ng actor.
Habang nagla-lunch ay naghuhuntahan ang dalawa
‘Tita kung tawagin ni Gerald ang ina ng girlfriend.
Komportable naman si Marjorie sa pagtawag ng G kay Gerald.
Ayon sa ina ni Julia, una niyang nakilala si Gerald noong hindi pa ito masyadong sikat na artista at kalalabas pa lang sa Pinoy Big Brother house.
Aniya, kasama ni Gerald ang kanyang mga kaibigan nang nakita siya nito at si Gerald daw mismo ang lumapit sa kanya para bumati.
Masyado raw na-appreciate ni Marjorie ang gesture na ginawa ng aktor.
Ayon naman kay Gerald, hindi raw niya masyadong kilala noon si Marjorie pero mukha raw itong artista kaya siya mismo ang lumapit dito.
Pinagyabang daw ni Marjorie sa mga anak niya ang ginawa ni Gerald noon para ipaalala sa kanila ang kahalagahan ng pagbibigay galang sa mga artistang mas nauna sa kanila.
Dahil sa ginawa ni Gerald kay Marjorie ay nagkaroon daw ng soft spot ang aktor sa kanya.
“Pag-uwi ko, niyayabang ko sa mga bata yun. Niyayabang ko yun. Alam nyo si Gerald bumati, ganyan. Kasi gusto kong maintindihan ng mga anak ko yung difference ng bumabati.”
Ito umano ang isa sa mga dahilan kung bakit mas madali silang naging malapit ni Gerald.
Si Gerald naman ang tinanong ni Marjorie kung ano ang first impression nito sa kanya.
Ani Gerald, hindi siya kundi ang kanyang kaibigan.
Kwento ng aktor, nakisuyo siya sa kaibigan na ipag-drive nito ang pamilya ni Julia.
Una ay ayaw daw ng kanyang friend dahil ang thinking daw kasi nito ay Barretto sila na baka tarayan siya.
Sabi ni Marjorie, “ah intimidating.”
“Yes Tita,” kasi nga po kapag sinabing Barretto mga kilala sa showbiz.”
Pinuri rin ni Marjorie si Gerald, dahil sa pagkagiliwin daw nito sa bata.
Nakita raw niya iyon sa pakikitungo ni Gerald sa bunso niyang anak na si Erich.
Aniya, una raw ay hindi niya pinapasakay na mag-isa si Erich sa escalator dahil takot daw siya na baka madisgrasya ang anak.
Pero, si Gerald daw ang nag-insist na hayaang sumakay itong mag-isa which is good naman daw dahil marunong na ang anak at hindi na takot.
Sabi nga ni Marjorie, “nakikita ko sa yo na magiging mabuti kang ama sa iyong magiging anak.”
Bilib din siya sa actor sa pagpapatakbo ng business.
Si Gerald daw ang nagturo sa kanya ng pagbi-business.
Like yung isang place nilang nakatiwangwang lang.
Nag-suggest daw si Gerald na bakit hindi niyang gawing business para may pùmapasok na income.
Marami pa raw siyang natutunan sa aktor.
***
MICHAEL V DINENAY NA
INALOK MAGHOST SA BAGONG EAT BULAGA
MAY nagsasabing inalok daw si Michael V na mag-host sa bagong Eat Bulaga.
Tahasan namang pinabulaanan ito ng actor comedian.
Sa Instagram ni Bitoy sinabi niyang, “FAKE NEWS ALERT! While I appreciate the positive comments, this one, ultimately is FAKE NEWS.
“WALA po akong natanggap na offer to host Eat Bulaga on GMA 7. At kung magkaroon man, I will STILL DECLINE dahil hindi na po maa-accommodate ng schedule ko at the moment,” aniya.
Ibig niyang magkasundo na ang dalawang panig.
“It’s unfortunate na hindi naging maayos ang paghihiwalay ng dalawang kampo and I’m hoping na ma-plantsa na ang gusot. Alam ko kasi na in the future, I will appear on both shows for whatever reason and I would like to feel welcome when that time comes,” dagdag pa niya.
“I hope this clears things out for anyone who’s asking. Maging maingat at matalino po sa pagbabasa at pagri-research para hindi tayo mabiktima ng FAKE NEWS,” pagtatapos niya.
Samantala, may nagtanong naman kay Randy Santiago na bihasa na sa hosting ay natanong din kung inalok siya ng Tape para mag-host ng bagong Eat Bulaga.
“Wala pa naman, hindi pa naman nila naiisip yun, e. Alam naman natin na even before this, dapat inaayos na namin yung noontime ng ALLTV.
“It’s either I join It’s Showtime, kasi di ba naghuhurado ako doon? So, open naman tayo anywhere. Open tayo sa lahat,” wika ni Randy.
***
Humihingi na ng royalty fee
GENTO NG SB19 BAWAL NA KANTAHIN
Isang contestant ng It’s Showtime ang naghamon kay Jhong Hilario na mag-TikTok dance showdown sila featuring the hit song ng SB19 na “Gento.”
Pero, ayon kay Vice Ganda hindi na raw pwedeng patugtugin ang Gento dahil sinabi umano ng management na bawal na.
Nagde-demand na raw ang SB19 na kelangan ay magbayad sila ng royaly fee kapag pinatugtog ang kanilang kanta.
“Bawal na daw. Naniningil na sila,” sey ni Vice.
Na-disappoint si Anne Curtis nang malaman niyang may ganun nang patakaran ang grupo.
“Talaga? May ganon pala? Hindi ba good promo iyon for the industry? Sayang naman,” ani Anne.
Agad na nag-viral ang nasabing isyu.
May mga dumepensa sa SB19, saying that the music artists have the right to demand a royalty fee for their music.
Ang iba naman ay dumepensa sa mga host ng It’s Showtime.
Esplika nila, everytime raw na may bagong kanta ang grupo ay pino-promote ng noontime show.
May nagsasabi namang lumalaki na raw ang ulo ng Pinoy Pop group.
“sorry pero i am with anne and vice here. harmless naman yung comments nila and to think na these BIG artists are promoting the group from time to time, I don’t think they’re putting them on a bad light unlike some of A’Tins na binabash sila at calling and shading them,” komento ng follower ni Anne.
“Hi @itsShowtimeNa! May this reach you. May the earnest appeal be heard and acted upon swiftly.”