Advertisers

Advertisers

Allan K at Ryan dinenay na binastos ang Tape Inc. execs

0 134

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA eksklusibong panayam ng PEP.ph noong June 3, 2023, sa magkapatid na Jalosjos na sina Jon, ang presidente at CEO ng Tape Inc. at Bullet, na chief finance officer at spokesperson ng kumpanya, idinitalye ng mga ito ang umano’y kawalan ng respeto sa kanila ng dating Eat Bulaga hosts, at ilang production people na mataas ang posisyon sa show.
Ayon sa kanila, hindi sila pinapayagang makapasok sa dressing room ng mga ito.
Pero pinabulaanan nina Allan K at Ryan Agoncillo, na dating hosts ng Eat Bulaga, ang pahayag ng magkapatid sa interview sa kanila ni MJ Marfori.
Tanong ni MJ, “Allan, ano ba yung totoo dun?”
Sagot ni Allan, “Paano bang hindi pinapapasok?
“Hindi ko maintindihan. E, they are free naman to pasok, labas-pasok, sa dressing room namin.
“Maybe that instance na naka-lock. Siguro ‘yun ‘yung nagpe-pray kami or… I don’t know. I have no idea kung kailan nangyari yun na hindi pinapapasok.”
Hiningan din ni MJ ng pahayag si Ryan kung may maidadagdag ito sa sinabi ni Allan.
Ang sabi naman ni Ryan, “Ang totoo po kasi niyan, MJ, pag dumarating ako sa Eat Bulaga!, ang una ko talagang hinahanap, ito [Allan K].
“Totoo ito, nag-aalmusal kami ni Allan. Sabay kami hangga’t maaari.
Sabi naman ni Allan, “Pag may naunang nag-almusal, nag-aaway pa kami.”
Natatawang sambit ni Ryan, “May ganun…”
Pero sa seryosong pahayag ni Ryan, “Hindi ako maka-comment sa hindi pinapapasok dahil as far as I’m concerned, as far as the Dabarkads are concerned, ano kami, e, communal nga ‘yung dressing room namin, actually.
“So, I don’t… I have no idea about who’s getting locked out or not.
“But as far as I know, lagusan ang aming makeup room.”
Samantala, inanunsiyo ng MediaQuest, ang may-ari ng TV5, na lumipat na ang Tito, Vic, and Joey sa Kapatid Network. Kaya rito na mapapanood ang EB simula sa July.
***
SHERYN REGIS MAY PASASABUGIN SA CONCERT
BILANG bahagi ng pagdiriwang ng kanyang ika-20th anniversary sa music industry, magkakaroon ng concert si Sheryn Regis billed as Shery Regis All Out. Ito ay gaganapin sa July 8, 8:00pm sa Music Museum.
Ayon kay Sheryn, hindi ibig sabihin na kaya All Out ang title ng kanyang concert ay dahil ipapakita niya rito ang tunay niyang identity/gender preference. Hindi raw ganun.
Paliwanag niya, “All Out, kasi you know why? Marami akong sasabihin sa concert na yan na hindi pa alam ng iba. Alam ninyo yung stories of my journey?”
Ano ang aasahan ng audience sa kanyang concert?
“Well, siyempre hindi mawawala yung birits.
“This is another chance for me in life after I got a thyroid cancer.
“Akala ko, hindi na ako makakakanta.
“Eto ipapakita ko sa inyo na kaya ko pa. Kayang-kaya pa talaga.”
Hindi ba niya naramdaman na bumaba ang range ng boses niya?
“Actually, parang mas tumaas pa siya.
“Nung nag-record ako ng Gusto Ko Nang Bumitaw, ang sabi nga ni Sir Jonathan Manalo, ‘Kaya mo to! Kaya mo to.”
“Akala ko nga hindi na talaga. Pero mas tumaas pa pala (boses niya).”,
Speaking of Gusto Ko Nang Bumitaw, kelan darating sa puntong sasabihin niya sa karelasyon niyang kapwa lesbian na si Mel de Guia na gusto niya nang bumitaw? Na suko na siya sa kanilang relasyon?
“You know what, ang buhay, hindi talaga natin masasabi kung ano ang future, noh!
“One! Let love prevails. And if you have faith in God na nandyan talaga sa sentro ng relationship ninyo, tanggalin yung pride ninyo, mawawala lahat ng pupuksa sa relationship na hinahawakan ninyo.”
Makakasama ni Sheryn sa kanyang anniversary concert sina Ima Castro, MMJ Magno, Dianne dela Fuente, Miss Tres at JMRTN of Retrospect.
Mabibili ang tickets sa ticketworld.com.ph.