Advertisers

Advertisers

TUMUMBA KAY BUNDOQUIN KINASUHAN NA, LARAWAN ISINAPUBLIKO NG PTFoMS

0 119

Advertisers

NANINIWALA ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na malapit nang matimbog ang  pumaslang sa local broadcaster ng Oriental Mindoro na si Cresenciano Aldevino ‘Cris’ Bundoquin nang isapubliko nito ang larawan ng nakilalang gunman, Isabelo Lopez Bautista. Pinasalamatan dito ng PTFoMS ang local media sa kanilang pagtulong sa task force para mabigyan ng hustisya ang kanilang kasamahan.


“The PTFoMS would like to commend our fellow members of the press, especially in Mindoro, and other concerned individuals who responded to our call for help and cooperation in solving this case by doing their own separate interviews and research and providing us of what they have uncovered.




 

“Their efforts are complementing the ongoing investigation and manhunt being done by the SITG Bundoquin of the Philippine National Police leading to this incident’s speedy resolution,” pahayag ni PTFoMS Executive Director, Undersecretary Paul Gutierrez, dating pangulo ng National Press Club of the Philippines.

 

Nitong Biyernes, June 9, 2023, sinabi ni Gutierrez na sinampahan na ni SITG Bundoquin ground commander at Oriental Mindoro Police director, Colonel Samuel Delorino, ng kasong ‘murde’r at ‘attempted murder’ si Bautista sa Calapan City Regional Trial Court, pagkaraan ng halos isang linggong “evaluation” ng  prosecutor, kasama sina Mrs. Francia Bundoquin, ang biyuda, at kanyang anak, John Mar, bilang private complainants.

 



Sinabi ni Mrs. Bundoquin sa PTFoMS na positibong kinilala ni John Mar si Bautista na siyang bumaril sa kanyang ama, base sa postal ID na nakuha ng pulisya.

 

May mga nagbigay din ng larawan ng Bautista sa PTFoMS. Maging ang local media sa Mindoro ay nagbigay din ng mga larawan ni Bautista na nakasuot lamang ng pang-ibaba.

 

Sabi ng source, nagdapadala ng larawan si Bautista para pasinungalingan ang sinabi ng pulisya na siya’y nasaktan nang bundulin ang kanilang motorsiklo ng kotse ni John Mar kungsaan tumilapon at nasawi ang kasabwat sa krimen na si Narciso Ignacio Guntan noong Mayo 31, 2023 matapos nilang paslangin si Crecenciano  4:20 ng umaga sa may tindahan nito sa Calapan City.

 

Sina Bautista at Guntan ay kapwa nagtatrabaho sa “peryahan” na pag-aari ng isang mataas na local official at isang police major sa Oriental Mindoro na madalas talakayin ng radio commentator sa kanyang programa.

 

Inatasan na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang NBI para magsagawa ng “parallel investigation” para matukoy ang “mastermind” sa paglikida kay Bundoquin.