Advertisers
PINANGALANAN ni Filipinas coach Alen Stajcic ang 29 players na nakatala sa provisional roster ng Philippine women’s national football team bago ang FIFA women’s World Cup 2023.
Pangungunahan nina Sarina Bolden at team skippers Hali long at Tahnai Annis ang pool na nakatakdang sumailalim sa isang buwan na training camp sa Sydney,Australia.
Ang listahan ay tatapyasan sa 23 matapos ang kanilang pre-World Cup camp na gaganapin sa Western Sydney Wanderers Complex.
Kabilang sa bantog na makakasama sa provisional list ay ang defender Angela beared, na tinawagan ng Pilipinas matapos lumahok sa ilang camps nakaraang taon.
Balik sa pangkat ang defender Dominique Randle at midfielders jessica Miclat,Ryley Bugay at Kaya Hawkins, na hindi nakasali sa nakaraang camps para sa Filipinas.
Kabilang rin ang youngsters Isabela Pasion at Kaiya Jota, na hinugot mula sa youth teams.
“We wish the players and staff the best for their final preparatory camp for the FIFA Women’s World Cup,” Wika ni PFF president Mariano Araneta. “We appreciate all their hardwork and sacrifice for the country. They have our full support.”
Ang Pilipinas ay nalagay sa Group A ng FIFA Women’s World Cup kasama ang co-host New Zealand,Switzerland, at Norway.
Una nilang makakalaban ang Switzerland sa Hulyo 21 sa Dunedin, New Zealand. kasunod ang New Zealand sa Hulyo 25 sa Wellington, bago maglakbay pabalik sa Auckland para sa laban kontra Norway sa Hulyo 30 para tapusin ang group stage.