Advertisers

Advertisers

Pulis sa Visayas bawal mag-Tiktok at vlog

0 170

Advertisers

MAHIGPIT na ipinag-utos ni Police Regional Office VI director Brigadier General Sidney Villaflor sa mga pulis sa Western Visayas ang paggamit ng Tiktok at pag-vlog habang naka-duty.

Kasabay ito ng pagbisita niya sa Iloilo Police Provincial Office.



Ayon kay Major Rolando Araño, spokesperson ng Iloilo Police Provincial Office, mahigpit nilang babantayan kung ginagawa ng mga pulis ang kanilang trabaho, at ang mahuhuling lumalabag sa kautusan ni Villaflor ay mahaharap sa karampatang penalidad.

Pero nilinaw ni Araño na maaari paring mag-vlog ang mga pulis kung may kaugnayan ito sa kanilang trabaho lalo na ang mga naka-assign sa Police Community Relations.

Kabilang sa mga kautusan ni Villaflor ay ang pagtutok sa limang agenda ni Philippine National Police chief; Gen. Benjamin Acorda, na kinabibilangan ng Aggressive and Honest Law Enforcement Operations, Personnel Morale and Welfare, Integrity Enhancement, Information and Communication Technology Development, at Community Engagement.

Pagkatapos ng command visit, isinagawa naman ang surprise random drug test,  bilang suporta sa utos ni Villaflor na pagsasagawa ng internal cleansing ng PNP.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">