Advertisers
MATINDI pala ang prostitution dito sa Matrix club sa Macapagal Boulevard, Pasay City.
Dito mo matitikman ang mga tsiks na Russian, Vietnamese at China girls na nagkakahalaga ng P50K! Pahalang siguro ang pandiwa ng mga banyagang ito kaya’t ginto ang presyo! Hehehe…
‘Pag ganun na kamamahal ang “mane” sa Matrix, bigtime ang pumapasok dito tulad ng mga korap na mayor, congressman, senador, gambling lords, drug lords at mga opisyal ng PNP na may koleksyon sa mga iligal. Mismo!
Pero mag-ingat sa malansang mane, baka magka-aids kayo. Okey lang sana kung “tulo” ang makuha nyo, makukuha pa sa mataas na anti-biotics. Hehehe…
Sino kaya ang mga may-ari nitong Matrix at maging ang taga-Bureau of Immigration ay tameme sa foreigners na pokpok sa establishment? O baka naman may timbre na ito sa kanila? Nagtataka lang po, Sec. Boying. Hehehe…
Pero kung gusto ninyo ng to see is to believe…papuntahan nyo, Commissioner Norman Tangsingco. Need lang ng budget na at least P20K at makakapag-oobserba ka na sa mga banyagang seksing “bebot for sale!”
***
Sabi nila, ang batas ay napaka-unfair. Para lang daw ito sa mga may impluwensiya at makuwarta. Hindi po! Ang batas ay pinanday ng pantay para sa lahat. Ang problema lang ay ang gumagawad ng hustisya, ungas!
Kasi naman itong mga piskal, judge, ombudsman at justice ay dumadaan sa mga politiko ang pagkatalaga sa puwesto. Eh ugali na nating mga Pinoy ang tumingin ng utang na loob. Oo! Kaya kahit “basura” ang kaso ay umaakyat, magdusa lang ang biktima!
Marami na ang nakulong na bungang-isip lang ang mga ikinaso, tulad ni dating Senador Leila De Lima. Anim na taon na itong nakakulong sa kasong tinahi-tahi ng convicted criminals na pinagalaw ng mga politiko na may ngitngit kay Leila. Mismo!
Dapat itong mga piskal, judge, ombudsman, justice lalo chief justice ay pinagbobotohan na lamang ng mga miyembro ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) para sa puwesto, hindi yung back-up ng mga politiko o politiko mismo ang nagtalaga sa kanila.
Kapag nangyari ito, hindi na maiimpluwensiyahan ng sinumang politiko ang paggawad ng hustisya ng mga nabanggit na miyembro ng judiciary, maliban lang kung ibenta nito ang hawak na kaso. Ibang usapin na ito.
Oo! Dapat pag-isipan na ito ng Kongreso, alisin na sa kamay ng mga politiko ang pagtalaga sa judge, ombudsman at justice.
At yung pagtalaga sa piskal, alisin na ito sa ilalim ng Department of Justice. Ibigay na ito sa Korte Suprema para sila ang sumala sa mga gusto maging piskal.
Say nyo, Senate President Migz Zubiri, at House Speaker Martin Romualdez?
Ayusin na natin, mga mambabatas, ang kilohan ng katarungan! Masyado nang depektibo!!!