Advertisers

Advertisers

Mayora Honey, nagpaalala sa Manileño kontra dengue

0 133

Advertisers

MAHIGPIT na nagpaalala si Mayor Honey Lacuna sa mga residente ng Maynila kontra dengue ngayon na nagsimula na ang panahon ng tag-ulan.

Kaugnay nito ay nanawagan siya sa lahat ng mga Manileño na panatilihing mas malinis ang kapaligiran upang maiwasan ang sakit at manatili ding hydrated.

Nanawagan din ang alkalde sa mga barangay na suportahan ang patuloy na city-wide cleanup drive na alinsunod sa Executive Order na ipinalabas ng alkalde na nagtatakda sa weekly cleanup day sa buong lungsod, simula sa City Hall at mga barangays.



Sinabi ni Lacuna na bagama’t ‘Dengue Awareness Month’ ang buwan ng Hunyo at may mga probable at suspected cases ng dengue sa lubgsod, ay wala pa rin namang confirmed cases sa nakalipas na dalawang linggo.

Pinayuhan din ng alkalde ang mga Manileño na sundin ang ‘5S Kontra Dengue’ na ipinalabas ng Department of Health.

Ito ay ang mga sumusunod: search and destroy, seek consultation self-protection, support fogging at sustain hydration.

Nanawagan si Lacuna sa mga residente na hanapin sa kanilang mga lugar ang mga kasulok-sulukan, na puwedeng breeding grounds ng mga pang-araw na mga lamok na dahilan ng dengue.

Kapag nakaramdam na ng sintomas, lalo na ng lagnat na di mawala ay kailangan na agad na magpa-konsulta.



Samantala, ang self-protection naman ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pagsusuot ng long-sleeved, dark garments, dahil hindi naaakit ang mga lamok sa mga madidilim na kasuotan.

Bilang suporta naman sa fogging, sinabi ni Lacuna na impormahan ng mga residente ang kanilang mga barangay para sa pinpointed breeding grounds ng mga lamok.

Bilang panghuli ay hinikayat ng lady mayor ang mga Manileño na panatilihing hydrated ang kanang sarili dahil kapag well-hydrated ang katawan, ito ay tumutulong na panlaban sa dengue.

Kailangan ang dalawang litro ng tubig sa katawan para sa tamang hydration. (ANDI GARCIA)