Advertisers

Advertisers

Kai Sotto lalahok sa Knicks mini camp

0 145

Advertisers

PATULOY ang pangarap ni Kai Sotto na makapaglaro sa NBA na ang 7-foot-2 slotman ay nakatakdang lumahok sa New York Knicks mini camp mula Hunyo 13-14 sa team’s Westchester practice facility

Sinabi ng handler ni Sotto, Tony Ronzone ng Wasserman Sports Management, na ang mini camp sa Knicks ang kanyang pinakahuli, habang umaasa ng pinakamabuti para sa Gilas member, na ang huling dalawang taon at kalahati ay pinaghirapan sa Australia at Japan’s professional leagues.

“This will be the last one (in New York), so we have one more to go,” Tugon ni Ronzone kay sports analyst Quinito Henson sa sports YouTube channel “PlayitrightTV.”



Sinabi ni Ronzone, karaniwan sa NBA prospects ay nakakuha ng maximum two mini camp experiences,pero ang kaso ni Sotto ay unique.

“The guys usually have 1 or 2, but Kai’s been fortunate. We get him to top 3 mini camps and so he’s able to learn, listen to different coaches, the terminology, learning to be a pro,” Paliwanag ng American agent.

Kamakailan si Sotto ay lumagda ng kontrata para maglaro sa Hiroshima Dragonflies sa Japan B. League, na may mini camps sa Utah Jazz at Dallas Mavericks, bago ito ang pinakahuling iskedyol camp sa Knicks.

Ang American agent ay optimistiko na ang 7-foot-2 ay magugustohan ng ilang teams.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">