Advertisers

Advertisers

EAT BULAGA AT SI BOY RALLY

0 114

Advertisers

ANG tagal ng pamamayagpag sa ere ng noontime show na Student Canteen ilang dekada na ang nakaraan.

Marami ang nagtangkang tapatan ang triumvirate nina Eddie Ilarde,Bobby Ledesma at Pepe Pimentel. Pero walang forever ‘ika nga.

Tumiklop ang Student Canteen at pasok sa eksena ang sikat na trio na mga singer/ comedians Tito Sotto,Vic Sotto at Joey de Leon.



Umalingawngaw ang EAT BULAGA sa ere sa tanghaling tapat.

Ako mismo noon ay naging curious bakit yun ang title. Napag-isip ko na galing ito sa payak na paglalaro sa isang musmos na gustong baguhin ang mood nito at pasayahin.

Tatapatan ang mukha papipikitin ang mata sabay pagdilat ay gugulatin.Pikit.. bulaga! Naging it bulaga! Dito marahil nadale ng malikot at magang utak ng trio lalo si Joey.Dahil lunchtime ang show ay naging EAT ang it,at nagmarka na sa masa ang katagang EAT BULAGA! Magmula sa jingle na Appari hanggang Jolo …Sina Tito ,Vic at Joey…at ang lahat ng titulo ng segments ay patok at ang bawat talent na nadidiskubre ay sumisikat sa EB.

Parang Ginebra lang sa PBA na kapag naging player ay instant sikat at tanggap agad ng Barangay Ginebra fans.

Naging parte na ng katanghalian sa mga tao ang noontime show na tumalo sa Student Canteen sa kasaysayan.



Ngayon ay naghiwalay ng landas ang mga orihinal na talents at producer ng numero unong show.

Ang isyu ngayon ,sino ang may nagmamay-ari ng titulong EAT BULAGA?Opkors eh di yung nakaisip ng titulo at obvious naman kung sino…your guess is as good as mine,iiit..bulaga!!!

(Ang debate dyan ay copyright at trademark,ang copyright ay pang entertainment ang show kaya TVJ o ang trademark ay pisikal tulad ng logo lang ng EB).Baka naman pati TVJ ay angkinin at gawing TVJalos…OOWSS!

Ngayong araw ng Lunes,Hunyo 12 ipagdiriwang ang Independence Day.

As usual araw na naman ito ni Boy Rally na me dahilan na naman para umepal bilang taga- protesta ng kahit sinong administrasyon tulad din tuwing Labor Day ,SONA at iba pang mga araw na may dahilan para magngangawa sa kalye kahit wala naman nang nakikinig.

Importante sa kanila ay kita na naman si Boy Rally magmula sa pagkuha ng tao sa mga iskwater na binabayan ng barya at ang buo ay nabubulsa,paggawa ng karatula at iba pang ganansya galing sa mga promotor na destabilizer ng bansa ,pagmumurahin ang gobyerno sa harap ng mga kunsintidor na mainstream media na tumutulong para gumulo ang bayan.

Boy Rally maghanap ka na ng ibang trabaho,iyong ikararangal ng pamilya mo.Lahat na lang ng Presidente ay ni-rally mo na akala naman ay ipinaglalaban ang sambayanang Pilipino. Pumuti na ang buhok at lalong humaba ang..BABA ka nga diyan para hambalusin kita ng plakard!

***

Para sa reaksyon # 0966 4708999.