59 bagong IOs nagtapos sa PIA
Advertisers
PANIBAGONG batch ng mga immigration officers ang nagtapos sa Philippine Immigration Academy (PIA) ng Bureau of Immigration sa Clark, Pampanga.
Ang kabuuang 59 na mga bagong immigration personnel ay binubuo ng 36 na babae at 23 na lalaki ay nanumpa sa kanilang graduation ceremony na ginanap sa Alpha Aviation Center, Clark, Pampanga noong June 3.
Si Atty. Agnes VST Devanadera, President at CEO of Clark Development Corp. ang siyang nagbigay ng keynote speech, kung saan binigyang halaga nito ang papel ng immigration officers sa laban ng bansa kontra human trafficking.
Binigyang diin din ni Devanadera ang papel na ginagampanan ng immigration officers sa pakikipaglaban sa krimen tulad nga ng human trafficking. Binanggit din nito ang kahalagahan ng napapanahong pagkilos at koordinasyon ng pamahalaan, pribadong sektor at iba pang kabilang na mga stakeholders.
Ipinunto rin ni Devanadera ang kahalagahan ng patuloy na skills development dahil nagbabago mga krimen.
Ang graduation ceremony ay dinaluhan ng mga pangunahing opisyal ng ahensya sa pangunguna ni Commissioner Norman G. Tansingco at Deputy Commissioners Joel Anthony M. Viado at Daniel Y. Laogan.
Sinabi ni Commissioner Tansingco na ang 59 na mga nagsipagtapos ay dumaan sa fast-tracked course na layuning pagkalooban sila ng kailangang kaalaman at galing upang maging epektibong immigration officer na magsisilbi bilang frontliners sa pangunahing international ports ng bansa.
Nabatid sa BI chief na 37 mula sa 59 na bagong IOs ay ide- deploy sa NAIA.
“This will further add up the reserve immigration personnel assigned in terminals 1 and 3, and ensure the public of our continued effort to make more convenient for the international travelers, ” sabi ni Tansingco.
Ang bagong batch ay karagdagan sa umiiral na manpower sa ibat-ibang international ports of entry at exit sa NAIA, Clark, Kalibo, Cebu, at Zamboanga. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)