Advertisers
BINAWIAN ng buhay ang isang binatilyo nang makipag-inuman ng 11 oras sa isang handaan sa Balete, Batangas.
Kinilala ang biktima na si Charle Linatoc, 18 anyos.
Ayon sa report ng Balete Police, 6:00 ng umaga ng Lunes, nakita na lamang na walang buhay na nakahandusay sa daan patungo sa kanilang bahay sa Sitio Saimsim, Barangay Malabanan, Balete ang biktima.
Nagsimula umanong makipag-inuman si Linatoc 12:00 ng tanghali ng Linggo sa birthday party ng isa niyang ka-baranggay. Tumagal ito sa inuman ng hanggang 11:00 ng gabi, bago nagpaalam na uuwi na.
Wala namang nakikitang foul play ang mga awtoridd sa pagkamatay ng biktima.
Noon lamang Mayo 21, Linggo, namatay din ang 21- anyos na construction worker matapos makipag-inuman ng walong oras sa Bacoor City.