Advertisers

Advertisers

2 killers ng traffic enforcer sa Cavite sumuko

0 171

Advertisers

SUMUKO na ang dalawang salarin sa pamamaril-patay sa isang traffic enforcer sa Tanza, Cavite.

Sa inilabas na pahayag ng Cavite Police Provincial Office nitong Martes, sinabing sa tulong ng isang punong barangay, sumuko ang mga salarin na sina Joseph Llagas at Aries Carlos, Martes ng umaga kay Cavite Governor Jonvic Remulla.

Ani Remulla, lumapit sina Llagas at Carlos kina Tanza Vice Mayor SM Matro at Daang Amaya II Barangay Captain Cindy Arguson para sa kanilang pagsuko.



Sina Llagas at Carlos ang bumaril sa traffic enforcer na si William Quiambao, na nagtamo ng tatlong tama ng bala sa ulo.

Sa lumabas na ulat, pinara ng biktima si Llagas dahil sa pagmamaneho ng motorsiklo habang lasing umano ito at walang suot na helmet.

Nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa, nagkasuntukan, hanggang sa may kinuhang baril si Llagas sa kaniyang kasama at pinaputukan si Quiambao ng ilang ulit.