Advertisers

Advertisers

12 menor de edad biktima ng human trafficking at online sexual abuse na-rescue

0 418

Advertisers

NAILIGTAS ang 12 menor de edad na biktima ng human trafficking at online sexual abuse sa Taguig City.

Ayon sa Taguig City Social Welfare Development Office, ang mga biktima ay apat na 5 months old na sanggol; isang 3-anyos na lalaki; 13 at 15-anyos na mga babae, at 14 at 16-anyos na mga lalaki.

Ang mga naarestong suspek ay makakapatid, kasama ang ina ng mga menor de edad.



Nabatid na ang mga nailigtas na mga kabataan ay pawang biktima ng human trafficking at online sexual abuse at explotation.

Sabi ng Taguig City Social Welfare Development Office, ang pag-rescue sa mga biktima ay sa tulong narin ng National Bureau of Investigation (NBI) at referral ng Australian Federal Police dahil Australian national ang sangkot sa illegal na aktibidades.

Sinampahan ang mga suspek ng kasong Anti-Online Sexual Abuse o Exploitation of Children Law, Anti-Child Sexual Abuse o Exploitation Materials Act in relation to the Cybercrime Prevention law at trafficking. (GAYNOR BONILLA)