Advertisers

Advertisers

P306k shabu nasabat sa Quiapo

0 306

Advertisers

KALABOSO ang isang babae na tulak ng droga nang masakote sa operasyon ng mga operatiba ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14 (MPD-PS14) Miyerkules ng gabi sa kahabaan ng Buenviaje corner Coromina Streets, Barangay 391, Quiapo, Maynila.



Sa ulat ni Lt. Colonel Roberto Mupas, MPD Station 14 Commander, isinagawa ang buy-bust operation laban kay alyas “Madam” sa pangunguna ni Major Gil John Lobaton katuwang ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng MPD 7:10 ng gabi.

Ayon sa ulat, inaresto ang suspek na si Marilou Deraya,34 anyos, ng Madrid Street, Barangay 121 Tondo; at kasabwat nitong parokyano na si Alex Silvestre, 58, nakatira sa Algeciras Street, Barangay 848, Sampaloc. Narekober sa kanilang posesyon ang 10 pakete ng shabu may timbang na 45 gramo na nagkakahalaga ng P306,000.- (Joseph Elias Bontogon)