Advertisers
BAWAL muna ang pagpapaluto ng pagkain o cooked to order sa El Nido, Palawan para maiwasang maulit ang pagtama ng diarrhea sa mga turistang dumaragsa rito.
Samantala, handa ang Department of Tourism (DOT) na makipag-usap sa mga lokal na pamahalaan rito para maresolba ang sitwasyon kung saan at paano makakakuha ng makakain ang mga turista dahil sa ilalabas nilang kasunduan sa pagitan ng tour operators at motor boat association.
Sa ulat nitong Enero, nasa 200 turista ang nagka-diarrhea bunsod ng kakulangan sa mapagkukunan ng malinis na tubig dahil madalas ginagawa ang paluto sa bangka.