Advertisers

Advertisers

Celtics wagi vs Heat sa Game 5, pinalawig ang series

0 144

Advertisers

KUMAMADA si Derrick White ng 24 points upang tulungan ang Boston Celtics na ilista ang kanilang ikalawang dikit na tagumpay sa pamamagitan ng 110-97 laban sa makulit na Miami Heat sa Game 5 ng Eastern Conference finals Huwebes, Mayo 25, Biyernes Mayo 26,Manila time).

Ang Heat ay hindi nakalamang sa laro, pero hawak pa rin nila ang 3-2 edge ng best-of-seven series na tutungo sa kanilang bahay sa Game 6 sa Sabado.

Si White ay nagawa ang 8 of 11 shots – kabilang ang 6 of 8 mula sa three-point range – at Marcus Smart naisalpak ang 7-of-12 at 4-of-6,ayon sa pagkakasunod, upang i-highlight ang kanyang 23-point performance. Smart ay nagtala rin ng 5 steals para sa second-seeded Celtics.



Jayson Tatum komulekta ng 21 points,11 assists, at 8 rebounds sa panalo, habang ang teammates Jaylen Brown umiskor ng 21 points habang nagbuslo ng 3-for-5 mula sa three-point range.

Miami’s Duncan Robinson gumawa ng 7-of-10 shots para umiskor ng 18 points off the bench. Bam Adebayo komulekta ng 16 points at 8 rebounds, Haywood Highsmith nagdagdag ng 15 points, Jimmy Butler at Caleb Martin bumakas ng tig-14 puntos para sa eight-seeded Heat.

Kyle Lowry umiskor ng kapiranggot na 5 points at nakagawa ng apat sa 16 turnovers ng team na pansamantalang pumalit sa puwesto ni Gabe Vincent (sprained left ankle).