Advertisers
NAGWAGI ang top seed na si Marian Capadocia sa women’s singles final ng first Metro Manila Open tennis tournament Biyernes.
Ang 27-year old national player mula sa San Jose de Buenavista sa Antique province umiskor ng 6-2,6-0, victory laban sa Filipino-American teenager Makeilah Nepomuceno sa kanilang semifinal match sa Philippine Columbian Association (PCA) indoor shell court sa Paco,Manila.
Capadocia, na sumabak sa Cambodia SEA Games dalawang Linggo ang nakaraan, ay makakaharap ang second seed Alexa Joy Milliam.
Ang 17-year-old Milliam ng La Carlota sa Negros Occidental province umalagwa sa 7-5,6-4, wagi kontra wild card Jessele Marie Ante, na nakapasok sa semifinal matapos hindi nagpakita ang No.4 seed Kaye Ann Emana Huwebes.
Milliam nasungkit ang Rina Caniza Open sa PCA outdoor court nakaraang Pebrero.
Samantala, No.1 pair Shaira Hope rivera at Alyssa Mae Bornia dinaig ang qualifier Joshea Malazarte at Ro Velez,6-3,6-2, para makausad sa women’s doubles semifinal.
Rivera at Bornia ay makakatapat sina Milliam at Ante, na pinatalsik sina Kim Iglupas at Roxanne Resma, 7-5,5-7,10-2.
Ang iba pang semifinalist match tampok ang qualifiers Elizabeth Abarquez at Rovie Baulete kontra third seeded tandem nina Capadocia at Nepomuceno.
Ang women’s singles winner ay tatanggap ng P150,000 in cash habang ang doubles champions ay may kahati na P50,000 sa tournament sanctioned ng Philippine Tennis Association.