Advertisers

Advertisers

PNP “BULLS -EYE” SA ISYU KAY BILLY JOE!

0 1,243

Advertisers

SIKAT na sikat ngayon ang liderato ng bagong katatalagang Philippine National Police (PNP) Chief Benjamin Acorda Jr., hindi dahil may nagawang malaking accomplishment, kundi sa isa na namang kabalbalan na ang nasasangkot ay mga opisyales ng Region 4-A Office.

Sa kasalukuyan, ang Pambansang Kapulisan ay tema ng mainit na usapan at kuro-kuro dahil sa isinagawang Senate Inquiry hinggil sa pagkakasangkot ng ilang matataas na opisyales at kagawad nito sa kontrobersyal na 990 kilos shabu noong October 9, 2022.

Lumilitaw na hindi lamang 990 kilos na shabu kundi 1,032 kilos o mahigit pa sa isang tonelada ang nakumpiskang shabu sa suspected drug trafficker na operatiba ng Police Drug Enforcement Group R4-A, na si Msgt. Rodolfo Mayo at sa kakutsaba nito sa kanilang money lending office sa Maynila.



Maraming mga PNP official at mga miyembro sa Region 4A Police Office ang nalagay sa “hot seat” sa hinalang protektor ang mga ito ng kanilang kabarong si Msgt. Mayo.

Ngayon ay may umuusbong na namang kontrobersiya hinggil sa multi-billion payola racket sa R4-A na ang isinasangkot naman ay ang isang Major Billy Joe, dawit ang opisina ng R4-A PNP Director BGen Carlito Gaces sa Camp Vicente Lim, Laguna.



Gamit ang alyas na Major Billy Joe ng dating police chief sa Cavite na bagama’t hindi ito ang pinakamataas na opisyal ng tropa ng tagapaniktik sa rehiyon, ay ito naman ang sinusunod ng mga kapwa opisyales at ng kanilang mga tauhan, maging ng lahat na ilegalista sa CALABARZON.

Dahil sa nakakahiyang implikasyon na tiyak na namang magpapabaho sa imahe ng kapulisan, malamang na magsasagawa din ang senado ng imbestigasyon para mahubaran ng maskara ang mga opisyales na nasa likod ng katiwalian na namang ito ng PNP.



Ang nangyayari na dapat ang mandato ng pulis ay pairalin ang batas, ay sila pa mismo ang sumasalungat gaya ng larawang ipinipinta ng pulis na si Major Billy Joe ng CALABARZON. Imbes na hulihin ang nagkalat na mga iligal na gambling operation ay kinukunsinte niya ang mga ito kapalit ng weekly datung na ibininigay ng mga iligalista.

Ang gawain ni Major Billy Joe na pasimuno sa pagdami ng illegal gambling na hinaluan pa ng droga sa R4-A na kanyang tinatarahan ng daang libo hanggang sa milyones na lagay para sa isang police top brass sa rehiyon ay isang klasikong halimbawang pang-aabuso ng isang police official na hindi dapat na pinalalagpas ni PNP Chief Acorda Jr.

Si Major ang sinasabing pinapanalo sa isang hokus-pokus na bidding sa intelhencia o koleksyon ng weekly protection money mula sa mga operator ng illegal gambling at drug trade, smuggling, paihi, illegal logging, mining, quarry, illegal van terminal at iba pang kailigan pagkaupong-pagkaupo sa pwesto ni PBGen. Gaces.

Sa naturang payola bidding, na sinalihan ng ibat ibang vice tong kolektor expert ay nanalo si Major Billy Joe matapos ilarga ang Php 6.4 M weekly bid prize na ang ibig sabihin, ang naturang halaga ang kailangan niyang i-remit kada lingo sa Office of Regional Director sa Camp Vicente Lim.

Upang makaipon ng naturang halaga at tumubo pa ng malaki ay kailangan ang diskarte, gaya ng ginawa ni Major Billy Joe na kumausap ng maraming mga gambling financier na pinapasok sa sakop ng CALABARZON para magnegosyo ng sugal at karamihan pa ay may droga na kanyang binibigyan ng proteksyon kapalit ng linguhang lagay para sa kanyang boss sa Camp Vicente Lim.

Tulad ng mainit na kinasasangkutan ng ilang PNP official sa 990 kilos shabu haul, bulls eye na naman ang liderato ni Gen. Acorda Jr., sa kinasasangkutan ni Major Billy Joe na multi-billion vice payola na tiyak na magdadalang muli ng malaking kahihiyan sa lugmok na lugmok nang imahe ng PNP.

BUKOL NI MAJOR KAY GENERAL (PART 3)
Dahil kailangang malagpasan ang target na Php 25.6M na buwanang tara o Php 6.4M na weekly payola na ireremit sa opisina ng PNP R4-A ay kailangang doble kayod si Major Billy Joe sa paghakot ng pagkakakitaan.

Sa tulong ng mga katiwaldas ng gambling lord na si Alyas John Yap, operator ng Perya ng Bayan (PNB) sa mga lalawigan ng Rizal at Cavite na sina Elwin, alyas Mayor Minong, Hero, Anacan, Erik at ex-WPD police scalawag na si Alyas Msgt. Sevilla na kilala din sa taguring Santiago at Tagoy, ay pinasuka ng mga ito ang kanilang boss (alyas John yap) ng Php .8M para makalikom kuno ng pasalubong kay PBGen. Gaces.

Maging si Don, ang Davao native na operator naman ng Brgy. Lucky Bingo, Swertres at Pick 3 na nakiki-umbrella naman sa operasyon ng PnB sa 8 siyudad at 16 na na munisipalidad ay piniga din ni Major Billy Joe para sa pakanang Php 10M na pasalubong kay PGen. Gaces.

Nangolekta din ng tig Php 200k na advance payola sa mga paihi financier na sina Ed at Rico sa Brgy. Bulihan; Malvar; Glen at Dong sa Brgy. Salong; Calaca at Kap Dan sa Lipa City; pawang sa lalawigan ng Batangas, Troy sa Lalig, Tiaong; Lanie ng Brgy. Malabanban Norte, Candelaria; at Sammy ng Brgy. San Luis, bayan ng Guinyangan; lahat ay sa probinsya ng Quezon at Ador na nagpapaihi sa likod ng Yakult Brgy. Makiling, Calamba City, Laguna.

Ngunit lahat na koleksyong ito ni Major Billy Joe na protection money sa mga buriki o paihi player ng CALABARZON ay ibinulsa lamang ni Major Billy Joe? May karugtong…

***

Para sa komento: CP. No. 09664066144