Advertisers

Advertisers

Sue aminadong malandi kaya malabong maging tomboy; Boobay pinagpahinga ng management sa show para sa kalusugan

0 114

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA panayam kay Sue Ramirez ng Cosmopolitan Philippines, tinanong siya ng,“What’s the craziest rumor you’ve heard about yourself?”
“Tomboy daw ako! Sa landi kong ‘to. Charing! Hahaha!” natatawang sagot ni Sue.
Dagdag niya, like niya raw ang mga lalaki.
Oo naman, lalaki ang talagang gusto ni Sue. Kaya nga may boyfriend siya, si Victorias City Mayor Javi Benitez, na isa ring aktor.
Samantala, para kay Sue non-negotiable raw sa isang relasyon ang panloloko, pagtataksil o cheating.
“Dapat kapag pumasok ang isang tao sa isang serious relationship ay maging loyal at faithful sa kanyang partner.”
Aniya pa, wala raw itong “ifs and buts”. Dapat daw isa lang ang pag-aalayan natin ng ating pag-ibig.
Aminado naman ang dalaga na maligayang-maligaya pa rin siya sa kanyang boyfriend na aktor na si Javi Benitez.
At least, nilinaw ni Sue na hindi siya tomboy. At bakit kaya siya nasasabihan na tomboy e, ayan nga’t may non-showbiz boyfriend siya.
Si Sue ay napapanood ngayon sa bagong sitcom ng TV5 na Jack And Jill Sa Diamond Hills katambal si Jake Cuenca. Si John “Sweet”Lapus ang direktor ng nasabing sitcom.
Ayon sa magaling na komedyante at direktor, masayang katrabaho sina Sue at Jake.
“Masaya since chika ko na sila pareho. Jake and I have the same handler in Star Magic (si Alan Real).
Si Sue naman, naka-work ko na on my first comedy series for APT, the Asian Academy Creative Awards nominee, ‘Boyfriend Number 13.’ Star Magic artist kaming tatlo.
“Given na sila as ‘Jack And Jill’ when the project was given to me. Tama naman kasi may rapport naman silang dalawa.”
***
PANSAMANTALA munang hindi mapapanood si Boobay sa show nila ni Tekla na The Boobay and Tekla Show. (TBATS)
Nag-decide ang GMA-7 na pagpahingahin muna si Boobay para sa kanyang kalusugan. Ito ay after ng series of minor seizures, na ang isa ay napanood pa nang live ng publiko sa Fast Talk with Boy Abunda, nang mag-guest doon si Boobay na bigla siyang natulala.
Gustong matiyak ng management ng Kapuso network na fit to work at healthy na si Boobay bago ito bigyan ulit ng trabaho.
Under medication pa ngayon si Boobay para makaiwas sa tulala moment. Effective naman ang gamot na binibigay sa kanya. At nagbawas na rin siya ng puyatang raket.
Si Buboy Villar ang pansamantalang hahalili kay Boobay.
***
SA birthday celebration ni Nora Aunor noong Sabado ng gabi na ginanap sa isang hotel, kumpletong dumating ang kanyang mga anak na sina Lotlot, Ian, Matet, Kiko at Kenneth.
Kaya naman, masayang-masaya si ate Guy sa kanyang kaarawan.
Bukod sa kanyang mga anak, present din sa selebrasyon ni ate Guy ang mga kaibigan niya sa showbiz tulad nina Snooky Serna, Marissa Delgado, Alfred Vargas, Ricky Davao, Dan Alvaro, Elwood Perez at marami pang iba.
To ate Guy, happy birthday!