Advertisers

Advertisers

Rhea Santos, bumisita sa UH!

0 163

Advertisers

MARAMING viewers ang natuwa nang bumisita si Rhea Santos sa set ng Unang Hirit. Dating part ng UH barkada si Rhea at ngayon ay naninirahan na sa Vancouver, Canada.
Mainit ang naging pag-welcome back ng hosts kay Rhea na excited ding makita ang mga dati niyang katrabaho sa Kapuso network. Kahit pa apat na taon nang nasa ibang bansa si Rhea, mistulang hindi siya nawala sa morning show dahil sa magandang rapport niya sa hosts at husay sa pagsasalita on-cam. Gaya ng dati, magiliw pa rin ang dating host habang ikinuwento ang kanyang buhay abroad maging ang mga plano niya sa career at personal life.
Naging tahanan ni Rhea ang Unang Hirit for almost 20 years kaya hindi maikakailang na-miss niya ito at mga katrabaho niya sa programa. Sure na sure ring maraming Kapuso ang naka-miss sa kanya tuwing umaga.
***
Masayang Kapuso Mall Shows, ginanap sa Davao at Bataan
Siguradong naging unforgettable ang weekend ng mga Kapuso sa Davao at Bataan dahil sa masayang Kapuso Mall Shows na dinaluhan ng mga paborito nilang artista.
Binalot ng kilig ang Gaisano Mall of Toril, Davao City noong Sabado (May 20) dahil sa mga sorpresang inihanda nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara na mga bida ng upcoming show na ‘Love Is: Love at First Read’.
Bumilib naman ang mga Dabawenyong nakisaya sa Gaisano Mall of Tagum, Tagum City noong Sabado rin sa nakaaaliw na performances ng mag-asawang Mikael Daez at Megan Young na parehong cast ng upcoming teleserye na ‘Royal Blood’.
Hiyawan at palakpakan naman ang sumalubong sa cast ng ‘Voltes V: Legacy’ na sina Miguel Tanfelix, Radson Flores, Raphael Landicho, Matt Lozano, at Ysabel Ortega sa Vista Mall Bataan, Balanga City, Bataan noong Biyernes (May 19).
Gayundin ang naging pagsalubong ng mga Kapusong Bataeno na nakikanta’t nakisayaw sa Vista Mall Bataan, Balanga City, Bataan noong Sabado kasama ang cast ng ‘The Write One’ na sina Bianca Umali, Royce Cabrera, Alma Concepcion, Kokoy de Santos, Analyn Barro, Migs Villasis, Yvette Sanchez, at Karenina Haniel.
Abangan ang iba pang Kapuso artists na dadayo sa iba’t ibang regions sa bansa para magbigay-saya.
***
‘The Write One’ finale ngayong Huwebes na!
SI Joyce nga kaya ang ‘the right one’ para kay Liam? O may plot-twist pang magaganap sa mga karakter nina Bianca Umali at Ruru Madrid? Ano kaya ang mangyayari kay Via (Mikee Quintos) at Hans (Paul Salas)?
Napaka-exciting ng mga mangyayari sa finale ng mala-roller coaster ride seryeng ‘The Write One’, ang nangungunang romance fantasy drama sa Philippine primetime ngayon. Siguradong halo-halong emosyon na naman ang mararamdaman ng viewers habang pinapanood ito. Sa ilalalim ng GMA Public Affairs, ang ‘The Write One’ ang kauna-unahang collaboration ng GMA Network at Viu.
Abangan ang pagtatapos nito sa Huwebes (May 25), 9:35 PM sa GMA Telebabad.