Advertisers

Advertisers

Kathryn napanganga ang netizens sa sexy pictorial

0 151

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA latest video clip na nasilip ng netizens sa socmed ay napanganga at napa-wow sila sa latest pictorial ng dyowa ni Daniel Padilla.
Kahit nga ang bf ay for sure maiin- love sa classic beauty ni Kathryn na puwede sa wholesome at pa-sexy.
At ang ikinaloka ng netizens ay itong palabang Kathryn na tumodo na sa pagpapaka-daring sa latest pictorial nito para sa isang brand ng jewelry.
Ang ikina-shock pa ng netizens ay may pa-cleavage pa si Kathryn.
Kaya tanong ng netizens, nagpaalam at may basbas ba raw ng dyowa na si Daniel ang pagde-daring ni Kathryn?
Sa nakikita naman ng KathNiel supporters, wala naman daw masama sa ginawa ni Kathryn kaya bakit magagalit si Daniel at trabaho lang ang ginawa ni Kath, sey pa ng fans.
Bumuhos ang mga positibong komento ng pagde-daring ni Kathryn na halos lahat ay napahanga sa kaseksihan ng aktres.
***
70th Birthday ni Nora Aunor dinaluhan ng mga anak
“KAHIT 70 at hinihingal na ay masaya pa rin ako,” ani nag-iisang Superstar Nora Aunor na nagdiwang ng kanyang kaarawan nitong May 20.
Muli ngang nakita ni Nora na nagkasama-sama ang kanyang limang anak na sina Ian, Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth na wala sa pics dahil shy type.
Ito na nga raw ang pinakamasayang kaarawan na naganap kay Ate Guy.
Bukod sa nakita niyang magkakasama ang kanyang mga anak, natuwa rin ito dahil natuldukan na ang sigalot at tampuhan sa pagitan niya at dalawang anak na sina Lotlot at Matet.
Dinaluhan din ito ng kanyang malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz.
Nandun din ang long time friend nito na si John Rendez. Happy Birthday Ate Guy!
Well, well, well… ‘Yun na…