Advertisers

Advertisers

LAOS AT TALUNANG PULITIKO, ISASALPAK SA GABINETE NI PBBM

0 255

Advertisers

Ipinagtanggol ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang planong pagkuha ni Pangulong Ferdiand Marcos Jr., ng mga talunang kandidato para isama sa kanyang gabinete.

Sa isang pahayag, sinabi ni Bersamin na hindi puwedeng pigilan ang Pangulo dahil saklaw ito ng kanyang kapangyarihan.

Sinabi ni Bersamain na, prerogative ng chief executive ang pumili kung sino ang gusto niyang italaga sa puwesto o kuhaning maging miyembro ng kanyang gabinete.



Oo nga at karapatan ito ni PBBM na magtalaga ng sino man na nais nitong ibigin para isama niya sa kanyang GABINETE, sana lang, magkaroon naman sana ito ng dignidad at delicadeza na wag igiit ang mga inirerekomendang kaanak ni FL Liza Araneta Marcos sa gabinete kahit pa nga laban ito sa panlasa ng mas nakakaraming mamamayan.

Isa sa maugong na itatalaga ni PBBM sa kanyang GABINETE ay itong pinsan ng kanyang asawa na si Mar Roxas na dumanas ng kabit- kabit- na pagkatalo sa mga nagdaang eleksyon.

Parang gusto pa atang buhayin ni PBBM ang civil at political career nitong mister ni Korina Sanchez.

Ang matindi pa, parang “package deal para sa mag- asawang Mar at Korina ang pagpasok sa gobyernong Marcos.

Usap- usapan kasi na pati itong misis ni Mar Roxas ay isasalpak sa media & communications group ng Malacanang.



Nanang ko po,bakit mga bulok at inaamag nang mga tao ang gustong ilagay ni PBBM sa poder?

Parang gumagawa lang ng tinapay na puding itong si Bongbong Marcos,pati mga panis at tira- tirang tinapay gustong pang i- recycle hehehe.

Pinoys deserved much much better public servants.

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com