Advertisers
SINIBAK ng Philadelphia 76ers ang kanilang head coach na si Doc Rivers matapos ang tatlong season.
Dinala ni Rivers ang koponan sa Eastern Conference semifinals sa bawat tatlong seasons.
Pinakahuli ay ng talunin sila ng Boston Celtics 112-88 sa Game 7.
Sinabi ni 76ers president of basketball operations Daryl Morey, na malaki ang respeto nito kay Rivers na isang matagumpay na coaches sa kasaysayan ng NBA at future hall of famer coach.
Pinasalamatan nito ang serbisyo ni Rivers at masakit ang nasabing desisyon kung saan nagpasya ang buong board ng Sixers sa nasabing desisyon.
Ilan sa mga napupusuan ngayon ng Sixers na ipalit ay sina Mike Budenholzer, Sam Cassell, Mike D’Antoni, Nick Nurse, Frank Vogel at Monty Williams.