Advertisers

Advertisers

‘TEVES UUWI NA NG PINAS’

0 149

Advertisers

KINUMPIRMA ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na posibleng dumating sa bansa ngayong Miyerkules ng umaga si suspended Congressman Arnolfo Teves Jr.

Sinabi ni Remulla, may kausap siyang reliable source na nakakaalam ng flight details ni Teves pauwi ng Pilipinas ngayong araw.

Ayon kay Remulla, marahil ay nahirapan nang gumalaw sa abroad ang mambabatas dahil sa pagtimbre nila sa mga karatig na bansa hinggil sa umuusad na proseso ng pagdedeklara dito bilang terorista.



Siniguro naman ng kalihim na hindi aarestuhin si Teves dahil hindi pa naman naisasampa ang mga kaso laban dito.

Ani Remulla, sa pagkakaalam niya ay naghahanda na rin ang Philippine National Police (PNP) para sa pagbibigay ng seguridad kay Teves pagdating sa airport.

Samantala, tiniyak ni Remulla na tuloy ngayong tanghali ang paghahain nila ng kasong 10 counts ng murder at frustrated murder laban kay Teves kaugnay sa pagpatay kay Governor Roel Degamo at 9 na iba pa sa Negros Oriental.