Advertisers
INARESTO ng mga elemento ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) sa buy bust operation ang isang aktibong pulis sa Guinobatan, Albay.
Kinilala ang inaresto na si Patrolman Joshua Resentes, nakatalaga sa Regional Headquarters Support Unit, ng Police Regional Office (PRO) 5,
Ayon kay Colonel Victor Rosete, Officer-in-Charge ng PNP-IMEG, isinagawa ang buy operation sa Purok 1, Brgy San Rafael, Guinobatan, Albay nitong May 11.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Guinobatan Police Station si Resentes habang sumasailalim sa imbestigasyon at paghahanda ng kasong paglabag sa RA9165 at Administrative. (Mark Obleada)