Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA katatapos na Miss Universe Phillipines 2023 ay ang taga-Makati na si Michelle Dee ang itinanghal na pambato natin na makikipagpukpukan sa El Savador.
May mga intriga at isyu na palakasan nga raw na sitsit ng fans sa natalo nilang kandidata.
Nagtataka ang mga supporters ni Pauline Amenlinckx kung bakit ganun ang naging resulta kahit nakapuwesto din ito na di lang Miss U PH.
Ang matindi na naglaban na masungkit ang korona ay sina Michelle ng Makati, Pauline ng Bohol at Krishnah Gravindez ng Baguio.
Si Krishnah ang itinanghal na Miss Charm at si Pauline ay naging Fan Fave at siyempre, ang itinanghal na nga na bagong Miss U PH ay ang anak ng beauty queen actress na si Melanie Marquez na si Michelle at nakapuwesto naman si Pauline na nasungkit ang pagiging Miss Supernatiomal PH sa kabila na marami itong nahakot sa awards.
Kaya naman nakataas pa rin ang kilay ng fans sa naging resulta ng Miss U PH 2023 at tila kinukuwestyon ang katatapos na pageant.
Sa kabilang banda, ayaw na nga patulan pa ni Michelle ang supporters ni Pauline na duda sa kanyang pagkapanalo.
Kung siya nga raw dati ay tanggap ang pagkatalo na masungkit ang Miss U PH noong 2020 na si Rabiya Mateo ang nanalo.
At ito lang 2022 ay muli ngang sumubok si Michelle pero mailap ang kapalaran at di pa rin nito nasungkit ang korona sa Miss U PH na si Celeste Cortesi ang itinanghal na Miss U PH 2022.
Pero tanggap at sport lang si Michelle at di ito tumigil sa pagsali kaya nga tinaguriang veteran beauty queen na ang bansag dito na nakasungkit na rin ng title.
Naging fave rin si Michelle lalo na sa Q and A na nagpabilib sa judges dahil ang sagot nito ay pang-winner sa Miss U PH.
Congrats Michelle!
***
Jessy nagpasilip sa paggulong ni Baby Peanut
SA latest video ni Jessy Mendiola ay ipinakita nito ang kanyang vlog. Dito ay ipinasilip ni Jessy Mendiola ang anak na 3 months and 2 weeks pa lang. Pero natuwa si Jessy dahil marunong na nga raw itong mag rolling or magpagulong-gulong.
Kaya di nga raw ito puwedeng ilagay sa kama o sa sofa dahil baka any moment ay mahulog.
Kita sa video ang katuwaan at pagiging proud ni Jessy sa kanilang panganay ni Luis Manzano na si Isabelle Rose Tawile Manzano o Baby Peanut.
Sa caption nga ni Jessy sa kanyang vlog, best gift nga sa kanya si Baby Peanut at magandang gift this Mother’s Day. Kahit naman si Luis ay aliw na aliw sa paggulong-gulong ng anak.
Well, well, well… Yun na!