Advertisers

Advertisers

METRO MANILA LULUBOG SA RECLAMATION PROJECTS!

0 262

Advertisers

NANGANGANIB na lumubog sa malawakang baha ang Metro Manila sanhi ng sunud-sunod na reclamation projects sa Manila Bay, ayon sa mga eksperto.

Umaabot sa 30 reclamation projects ang ilalatag sa Manila Bay – pero ni walang strategic environmental impact assessment ang mga ito para matiyak na hindi magiging perwisyo sa komunidad at kapaligiran.

Batay sa mga historikong ebidensiya, pinansin ni archaeologist Vito Hernandez, senior lecturer sa University of the Philippines, na tahasang nakaugnay sa reclamation ang paglala ng baha tuwing may malakihang development lalo na sa Manila Bay.



Panganib na ang malawakang baha, perwisyo pa sa kabuhayan ng mga komunidad na pangingisda o pag-aalaga ng tahong at talaba ang kabuhayan, ayon sa UP Institute of Maritime Affairs and Laws of the Sea.

Nitong 2014, tiniyak ni Kelvin Rodolfo, propesor sa University of Illinois sa Chicago na tumanggap ng ‘Gawad Bayani ng Kalikasan’ noong 2022, na ang pagguho ng lupa ng mga lunan sa tabing dagat at mabagal na pagsalin sa dagat ng tubig-ulan ay nagpalala ng baha at paglaki ng tubig-dagat.

Binalaan ni Rodolfo, dalubhasa sa geology at environmental science, ang mga nagbabalak na bumili ng property sa reclaimed land, lalo na sa alinman sa multibillion-peso reclamation projects sa Manila Bay, na alamin muna ang mga panganib ng reclaimed land kabilang na ang pagguho ng lupa, storm surge, at tsunami.

“My last resort is to tell anyone who wants to buy property on reclaimed land: Make sure you can get damage insurance. If you cannot, be forewarned, don’t be a fool,” diin niya.

Pinansin naman ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas na ang mga gawain kaugnay sa reclamation projects sa Manila Bay ang sanhi ng paglaki ng mga alon at paglakas ng tidal currents o agos, na malaki ang ibinawas sa huli ng mga mangingisda mula Cavite at karatig na komunidad sa aplaya.



Nitong 2021, sinalungat ng Pamalakaya ang P12-billion project ng Silverquest Mining Resources Inc., na aprobado sa DENR sa pamamagitan ng environmental compliance certificate kaugnay sa seabed quarrying na sasaklaw sa 2,124 ektarya ng municipal waters ng Ternate at Naic.

Tinukoy na ang proyekto ay hahakot ng panambak para sa 318-ektaryang Manila Waterfront Project sa Manila.

Abot na sa 30 reclamation projects ang planong ilapag sa Manila Bay — 15 ang aprobado at 15 ang isinusulong batay sa Executive Order No. 74 ng dating Pangulo Rodrigo R. Duterte na inilabas noong 2018,

Nilikha ang EO 74, ang Philippine Reclamation Authority (PRA), para aprobahan ang reclamation projects.