Advertisers

Advertisers

Lalaki sinitang may dalang baril, patay nang mang-hostage

0 127

Advertisers

PATAY ang isang lalaki nang mang-hostage sa isang bahay sa Bacoor, Cavite.



Kinilala ang napatay na si Danilo Gonzales, na nang-hostage umano nang sitahin ng mga pulis dahil sa pagdadala ng baril.

Sa ulat, 3:00 ng madaling araw nang maganap ang hostage-taking sa loob ng Nazareth Compound.

“Nagkaroon ng habulan kung saan itong ating suspek ay nakita ng ating nagpapatrolyang pulis na balisa at ito ay sinita at pagkatapos nitong sitahin ito ay nagtatakbo sa Nazareth Compound,” ani Lieutenant Colonel Ruther Saquilayan, hepe ng Bacoor City Police.

Pumasok ang suspek sa isang bahay at hinostage ang isang lalaking senior citizen at isang 32 anyos na babaeng nakatira roon.

Wala raw malinaw na demand ang suspek nang makipag-negosasyon. Sinubukan siyang pakalmahin ng mga pulis pero nauwi ito sa barilan nang tutukan ng suspek ng baril ang mga otoridad.

Bagama’t napatay ang suspek, ligtas naman ang mga hinostage.

Nakuha kay Gonzales ang kalibre .45 pistol na puno ng bala.