Advertisers

Advertisers

Heart aminado, maarte pero ‘di negatibo

0 111

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

NAPAKABILIS ng panahon, more than twenty years na pala si Heart Evangelista sa showbiz at wala siyang plano na tumigil sa kanyang ginagawa sa ngayon.
“I love it, I love being on the go I think I’m one of the lucky ones who truly enjoy what I do. And I’m also very grateful.
“I’ve been working for a long time, I think mga twenty-three years, twenty four years, and so you know kahit pagod parang nananaig yung pagka-grateful na hanggang ngayon there is something that they like about me so I’m okay, sige lang fill up the schedule lang.”
Isa sa pinakasikat na artista at social media personality sa buong Pilipinas at sa Asya, kaya hindi naman katakata-takang napaka-hectic ng schedule ni Heart.
Kaya paano niya nagagawang magkaroon ng inner peace at maging kalmado sa gitna ng matinding distraction at toxicity sa social media?
“I wake up very early in the morning actually and I always make sure that I have a quiet time, I have a diary, I need to write down in my journal, I never let go of my journal, because I feel like it’s nice to always be grateful in life.
“That’s one thing that I like doing. I also love listening to music and as much as possible I like to have my dogs around me all the time.
“I feel like those are my angels!”
Nakausap namin si Heart at iba pang miyembro ng media sa launch niya bilang celebrity endorser ng Zion massage chair nitong Huwebes, may 4, sa Manila Private House Private Members Club sa Bonifacio Global City.
“I’m super happy and super grateful. It’s just always important to be you know, to collaborate with a company or a brand that… I love advocating self-care, you know.
“Self-care means maarte ka but maarte doesn’t mean negative, you know. You go through so much in life, you work so hard, I mean it’s really important to get as much as a tap on the back.
“Like a full massage, and I’m for that, I’m really for promoting, you know, self-care, really putting yourself first, I feel like, you know I’m really thankful that they’re giving me a chance to you know, have a voice in a sense to talk about you know, having a massage isn’t just vanity.
“It’s about health, it’s about health is wealth, it’s about taking a pause no matter what kahit madami tayong pinagdadaanan.
“Like for me, I do have my clothes, I have this beautiful flower on my neck,” pagtukoy ni Heart sa kanyang magandang kasuotan sa araw ng kanyang launch, “pero pagud na pagod din po ako madami din akong problema, normal na tao din ako and I think it’s important that you know, you put yourself first, always, without questions asked!
“So I’m so happy,” pakli ni Heart.
***
KARAGDAGANG karakter si Allen Dizon sa Abot Kamay Na Pangarap at dahil nga sa patuloy na mataas na rating ng programa, sigurado na ang kanilang extension.
Hanggang kailan ba mae-extend ang kanilang serye?
“Well, actually malalaman namin this month kung… pero ang sinasabi nila, ang sinabi nilang extension dati hanggang July.
“So ngayon parang another extension na naman.”
Magkakaroon ng kaugnayan ang karakter niya bilang si Dr. Carlos Benitez sa karakter ni Lyneth Santos na ginagampanan naman ni Carmina Villarroel.
Handa ba siyang pagselosan ng mister ni Carmina na si Zoren Legaspi, biro namin kay Allen.
Tumawa muna si Allen bago sumagot…
“Si Carmina nag-partner na kami sa Doble Kara,” pagtukoy ni Allen sa 2015 TV series ng ABS-CBN na pinagbidahan ni Julia Montes.
Ano ang pakiramdam na kahit hindi siya kasali sa original cast ng Abot Kamay Na Pangarap ay bahagi siya ngayon ng top-rating at palaging nagba-viral na serye ng GMA?
“Blessing pa rin sa akin kasi di ba, the mere fact na kinuha ka ng pinakamataas na rating and pinakamagandang show ngayon, nakikita ko, parang blessing pa rin kahit hindi ako kasama sa simula.
“Baka kasama ka nga sa simula tapos pinatay ka naman so okay na yung dumating ka ng medyo late tapos hanggang dulo ka, di ba?”
Sa Abot Kamay Na Pangarap ay unang beses na gumanap ni Allen bilang isang doktor.
May pinag-aralan ba siya o nag-workshop ba siya para sa kanyang papel?
“Hindi naman pero kailangan mong pag-aralan yung mga medical terms nila, ang dami! Mahirap yung mga medical term.
“So kailangan talagang pag-aralan. Alam naman natin pag soap ang daming daldalan di ba, ang daming mga dayalog.
“Ang daming iba-ibang style ng direktor.”
Ang karakter ni Allen ang ama ni Zoey na ginagampanan naman ng Sparkle actress na si Kazel Kinouchi.
Bago ang Abot Kamay Na Pangarap, na pinagbibidahan ni Jillian Ward bilang Dra. Analyn Tanyag, naging bahagi si Allen ng GMA series na Return To Paradise nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva nitong nakaraang taon.