Advertisers

Advertisers

Bagman ni Kerwin Espinosa, patay sa Ormoc buy-bust

0 139

Advertisers

TODAD sa drug buy-bust operation ang “bagman” ni self-confessed drug lord Kerwin Espinosa at nasabat ang nasa P10.2 milyong halaga ng shabu sa Ormoc City.

Kinilala ang drug personality na si Allan Bulahan, 37 anyos, ng Linao, Ormoc City, na nasawi nang “makipagbarilan” sa mga operatiba ng Police Regional Drug Enforcement Unit sa Barangay Tambulilid.

Nakuha kay Bulahan ang nasa 1.5 kilo ng shabu, na ayon sa Ormoc Police ay pinakamalaking bulto ng droga na nahuli nila sa lungsod.



Narekober din ng pulisya kay Bulahan ang dalawang weighing scale, metal spoon at bundle ng plastic wrappers na walang laman.

Sa ginawang body search sa ospital, narekober ng mga operatiba ang P100,000 cash sa bulsa nito.
Ikinukunsiderang high-value individual at bagman ni Kerwin Espinosa si Bulahan, ayon kay Ormoc city Police chief Colonel Nelvin Ricohermoso.

Kasalukuyang nakaditene si Espinosa sa Camp Bagong Diwa, Taguig.

Si Kerwin ay anak ng napatay na si Albuera Mayor Rolando Espinosa sa raid sa loob ng kanyang detention cell noong Nobyembre 5, 2016.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">