Advertisers

Advertisers

Arjo kinakasa na ang 3 anak kay Maine matapos ikasal; Jinkee balik-display ng luxury items, tinigil sa kampanya ni Pacman

0 121

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAGPAALAM na si Maine Mendoza sa paggawa ng comedy series para maghanda sa kanyang nalalapit na kasal sa fiance na si Congressman Arjo Atayde.
Ayon sa bida ng 6-part Prime Video series na “Cattleya Killer” na si Arjo, once na ikasal na sila ni Maine, gusto muna niyang magpokus sa kanilang married life.
Hindi na rin nag-elaborate ang aktor hinggil sa pahayag nitong magkaroon ng tatlong anak kay Maine.
“Oh, I will definitely enjoy [married life] first. We’ll see… Diyos na bahala,” aniya. “Definitely we’re looking forward to enjoying each other’s company,” dugtong niya.
Hirit pa niya, kahit daw abala sa kanyang constituents, he makes it a point to spend quality time with his fiancee.
Hindi rin niya idinisclose kung sino ang mga ninong at ninang nila ni Maine sa kanilang nalalapit na kasal.
Si Arjo ay mapapanood sa “Cattleya Killer,” ang spin-off sequel series sa 1996 action-thriller na “Sa Aking Mga Kamay,” na pinagbidahan nina Christopher de Leon at Aga Muhlach kung saan ginagampanan niya ang papel ni Anton dela Rosa.
Aniya, may blessings daw ni Aga Muhlach ang nasabing mini-series.
Sey pa niya, proud din daw siya na ipanood ang serye sa kanyang nobyang si Maine dahil nakagawa sila ng isang world-class na obra.
Tampok din sa serye na mapapanood na sa Prime Video sina Christopher de Leon, Jake Cuenca, Zsa Zsa Padilla, Ria Atayde, Jane Oineza, Nonie Buencamino, Ricky Davao, Rafa Siguion-Reyna, Ketchup Eusebio, Frances Ignacio, Jojit Lorenzo, Ryan Eigenmann at marami pang iba.
Ito ay mula sa panulat ni Dodo Dayao at sa direksyon ni Dan Villegas.
***
SEY ng neitzens, ariba na naman sa pagdi-display ng imported and branded items at mamahaling OOTDs ang asawa ng Pambansang Kamao na si Jinkee Pacquiao.
During the campaign sorties kasi ni Pacman, animo’y nagdiyeta ang fashionistang waswit ng boxing icon sa pagsusuot ng kanyang nakasanayang luxury brands.
Obserbasyon kasi ng kibitzers, worried siya noon na makasira sa kampanya ng mister dahil baka maakusahan siyang Imeldific.
After na matalo si Manny, mega rampa na naman si Jinkee sa kanilang out of the country trip ni Pacman.
Parang sagot na rin niya ito sa detractors na nagsasabing kinakapos siya dahil nagkaroon siya noon ng sale ng kanyang pre-loved designer items para tulungang pondohan ang kampanya ng kabiyak.
Patunay lang ito na nasabik lang si Jinkee sa pagdi-display ng kanyang karangyaan na pruwebang hindi siya apektado sa pagkatalo ni Manny.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">