Advertisers

Advertisers

PBBM bumiyahe pa-Indonesia para sa 42nd ASEAN Summit

0 130

Advertisers

DUMATING sa Indonesia nitong Martes ng hapon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang dumalo sa 42nd ASEAN Summit

Ang PR 001, na lulan si Marcos at ang buong delegasyon ng Pilipinas, ay lumapag sa Komodo Airport dakong 4:53 p.m.

Hindi ito ang unang pagkakataon na pumunta si Marcos dito dahil nagkaroon siya ng state visit sa Jakarta noong Setyembre 2022.



Sa kanyang talumpati sa pag-alis sa Maynila, sinabi ni Marcos na haharapin ng mga lider ng ASEAN ang mga pag-unlad sa South China Sea, ang sitwasyon sa Myanmar, at malaking tunggalian sa kapangyarihan, bukod sa iba pa.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, wala pang 10 indibidwal ang bahagi ng delegasyon ni Marcos kabilang sina Trade Secretary Alfredo Pascual, Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian at Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.

Kasama rin sa delegasyon ng Pilipinas sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Chief Minister Ahod Ebrahim.

Sa Summit, inaasahang igigiit ni Marcos ang kahalagahan ng pagpapakita ng sentralidad ng ASEAN sa rehiyon sa gitna ng kasalukuyang geopolitical na tunggalian.

Isusulong din ni Marcos ang mga prayoridad ng Pilipinas sa ASEAN sa pamamagitan ng regional at multilateral cooperation.



Ang seremonya ng pagbubukas ng Summit ay gaganapin ngayong Mayo 10, na susundan ng isang plenary session at isang serye ng mga interface sa mga lider at delegado ng ASEAN. (Vanz Fernandez)