Advertisers

Advertisers

Nagpasalamat sa media…Bossing Vic nabayaran na sa milyong utang ng produ ng ‘Eat Bulaga’

0 120

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

THANKFUL si Bossing Vic Sotto nang maibalita ng media ang pagkakautang ng TAPE, Inc., producer ng Eat Bulaga, sa kanila ni Joey de Leon dahil nabayaran na raw siya.
Sa idinaos na media conference ng bagong sitcom ni Bossing na pinagatang ‘Open 24/7’ nitong nakalipas na Lunes, May 8 sa Seda Vertis North, inihayag ng comedian-TV host na nabayaran na raw ang utang sa kanya ng TAPE.
Gayunman, ayaw sabihin ni Bossing ang eksaktong halaga ng ibinayad sa kanya o kung tama ba na umabot ito ng P30-M.
May mga nagtsika kasi na kay Joey de Leon daw ang P30-M na utang ng TAPE at mas malaki raw ang kay Bossing na umabot na ng P43-M para lang sa taong 2022.
Idinagdag pa ng komedyante na hindi naman daw pera-pera ang usapin sa nasabing isyu kundi prinsipyo.
Pero ayaw pa ring sagutin ni Vic ang katanungan kung okey na ang sigalot sa pagitan ng Dabarkads at Jalosjos family.
“I will comment on that when the right time comes,” komento ni Bossing.
Gayundin, nilinaw ng comedian-host na nananatiling solid ang samahan ng Dabarkads at kahit daw ano ang mangyari ay sama-sama anya sila.
Samantala, ang ‘Open 24/7’ ang pumalit sa dati ring sitcom ni Bossing na ‘Daddy’s Girl’ sa GMA7.
Makakasama rin dito si Maja Salvador na kasalukuyang abala sa paghahanda sa nalalapit na kasal kay Rambo Nunez pero isiningit pa rin ang nabanggit na sitcom lalo pa’t kasama si Bossing Vic na natsikang isa sa mga ninong niya sa kasal.
Nasa ‘Open 24/7’ pa sina Jose Manalo, ang Sparkle loveteam na sina Sophia Pablo at Allen Ansay, at ang Sparkle artists na sina Riel Lomadilla, Anjay Anson, Abed Green at Bruce Roeland. Mula ito sa M-Zet Productions mula sa direksyon ni JR Reyes.
Panuorin ang mga nakatutuwang eksena sa ‘Open 24/7’ simula sa May 27, tuwing Sabado pagkatapos ng ‘Magpakailanman’.