Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NOONG dekada ’90, sina Judy Ann Santos at Claudine Barretto ang mahigpit na magkalaban pagdating sa pag-arte sa telebisyon at pelikula. Silang dalawa ang pinagsasabong ng mga fan.
Pero sa kabila nito, never nagkaroon ng isyu o hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawa. In fact, naging magkaibigan pa nga sila.
Nagkuwento si Claudine sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda noong Friday tungkol sa friendship nila ni Juday na tumatakbo na ngayon ng ilang dekada.
Sabi ni Claudine,”You know, Judy Ann and I, people think we don’t get along, we never got along. But in truth is that even nu’ng debut niya (May, 1996) right after, I remember that was a Sunday and everything was closed, the after-party was in my condominium.”
Dugtong pa niya, “Ang dami naming pinagdaanan ni Judy Ann. It’s just that during that time, we couldn’t… kumbaga, para kaming mag-boyfriend-girlfriend ni Judy Ann.
“Bawal kaming makita sa labas kasi ayaw ni Tito Alfie (Lorenzo, ang namayapang manager dati ni Juday). Kasi dapat daw ala-Nora-Vilma. Parang ganyan.”
Naichika rin ni Claudine na noong nag-ober da bakod siya sa GMA 7 at iwan ang ABS-CBN, isa si Juday sa mga nagsalita at nagtanggol sa kanya mula sa mga taong nagkomento ng masasama at masasakit sa kanya.
Aniya, hanggang kamatayan ay dadalhin niya ang sinabi ni Juday sa isang panayam.
“I would never forget what Judy Ann did to me, that’s why she is who she is. Judy Ann Santos is Judy Ann Santos.
“At my lowest point, when I also transferred from Channel 2 to Channel 7, in one of her interviews, they said that she’s the Teleserye Queen. And she said ‘No. Claudine and I share this title.’
“I will never forget that moment ’til the day I die. And our dream is to be able to do a movie together.
“And I will be forever grateful for Judy Ann Santos…and queen supports queens,” sabi pa ni Claudine.
***
ROZZ DANIELS AT CO-HOSTS SA THE ROCKS AND ROZZ SHOW HUMATAW SA SHOW
NASA ‘Pinas ngayon ang Rock Artist na si Rozz Daniels. Sa pagbabalik niya ng bansa, nagbigay siya ng libreng show nu’ng L inggo, na ginanap sa Music Box.
Nakasama niya rito na nag-perform ang mga co-host niya sa Rock & Rozz Show, na napapanood sa Kumu, sina Irelyn Arana, Derf Dwayne, Harold Evangelista, Jerome Sang, at ang aming patnugot dito sa Police Files Tonite na si Blessie Cirera.
Dahil nga kilala bilang rock artist kaya pulos rock songs ang kinanta ng mahusay na singer sa kanilang show.
Sa tanong namin kay Rozz kung bakit naisipan niyang magbigay ng free show, to think yung iba ay nagpo-produce para kumita, ang sagot niya,” Hindi ko naman talaga aim ang to make money. Kasi naman gusto ko, ang show ko ay libre, para naman lahat ay makapanood at mapasaya namin. Hindi pa naman kami kasikatan, kaya hindi namin need na magpabayad.
“Ang sarap lang sa feelings, alam namin na marami kaming mapapasaya na manonood ng show namin, bukod sa libre na nga, mag-i-enjoy pa sila sa mga songs na hinanda namin,” sabi ni Rozz nang makausap namin bago ang kanilang show.
Hindi namin napanood ang show dahil may iba pa kaming lakad. Pero siguradong ‘yung mga nakapanood ay talagang nag-enjoy dahil mahuhusay naman talagang singers at performers sina Rozz, Irelyn, Derf, Harold at Jerome. At hindi man talaga singer na matatawag gaya ng lima, mahusay din namang kumanta si ate Bless. Siguradong hindi siya nagpatalbog pagdating sa performance. (Oo naman hahaha–ed)
***
LASSY WALANG INGGIT FACTOR KAY CHAD
MAY natapos gawing pelikula ang member ng Beks Battalion na sina Lassy Marquez, Chad Kinis, at MC Muah. Ito ay ang Beks Days Of Our Lives, under Viva Films, na ang direktor ay si Chad. Ito ang magsisilbing launching movie nilang tatlo.
Pero bago pa ito, nagkaroon na ng launching movie si Lassy, Ang Sarap Mong Patayin.
Sa isang panayam, natanong sila kung dumating ba sa puntong nag-away sila dahil sa isang lalaki. Ang sagot nila ay never daw.
Magkakaiba raw kasi sila ng tipo ng mga lalaki. Kaya never silang nagkaisyu sa lalaki.
Sa tatlo ay si Lassy lang ang may dyowa ngayon, na nakabase sa ibang bansa.
Happy si Lassy na bukod sa pagiging comedian ay isa na ring direktor si Chad. Ayon pa sa kanya ay wala namang inggitan na namamagitan sa kanila.
“Kagaya ni Chad, direktor na ngayon so mas nakakatulong po siya sa grupo namin. Kaya wala pong inggitan sa amin. Kung sino ang meron o palarin na magkaroon ng project na ganito, malaking help po sa amin ‘yun.”
Masaya kami para kay Lassy dahil maganda ang takbo ng kanyang career ngayon. May dalawang regular show siya sa ABS-CBN, It’s Showtime at I Can See Your Voice. At lagi rin siyang may ginagawang pelikula. Busy rin siya sa vlog nila na Beks Battalion.
Ang Beks Days Of Our Lives ay showing na sa May 17.