Advertisers

Advertisers

8 opisyal ng PNP na-promote

0 119

Advertisers

UMANGAT sa pwesto ang walong opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Nitong Martes, isinagawa ang ‘donning of ranks’ sa Camp Crame na pinangunahan ito ni PNP Chief, General Benjamin Acorda, Jr., na siyang nagsabit ng estrella sa mga bagong promote na opisyal.

Kasama sa mga tumaas ang ranggo bilang Major General sina Harold Tuzon ng Area Police Command-Eastern Mindanao, Victor Wanchakan mula sa Area Police Command-Western Mindanao, at Rudolph Dimas ng Special Action Force.



Habang na-promote na Brigadier General ang hepe ng Public Information Office na si Redrico Maranan at mga dating Colonel na sina Victor Arevalo, Paul Lucas, Ephraim Gurat at Roderick Mariano.