Advertisers

Advertisers

Pulis patay sa responde sa away-kalye

0 156

Advertisers

NASAWI ang isang pulis nang rumeresponde sa isang insidente ng pamamaril sa Bukal Sur, Candelaria, Quezon, Sabado ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Corporal Reniel Marin.

Ayon kay Lt. Colonel Dennis De Leon, hepe ng Candelaria Municipal Police Station, 11:00 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag tungkol sa isang away sa kalsada. Sugatan ang isang tricycle driver nang barilin ng nakaalitang si Teodulo Rustia. Agad tumakas si Rustia.



Pinuntahan ng mga pulis ang bahay ni Rustia, subali’t wala ito. Habang kinakausap ng mga pulis ang asawa ni Rustia, dumating ang kapatid ng tricycle driver na si Efren Azul na planong iganti ang kapatid niya.

Hinarang ng mga pulis si Azul subali’t nakabunot ito ng baril, at nang magpaputok ay tinamaan si Cpl Marin at ang anak na babae ni Rustia.

Mabilis na tumakas si Azul, habang isinugod sa pagamutan ang pulis.

Pinaghahanap ngayon ng pulisya sina Rustia at Azul.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">