Advertisers

Advertisers

Pres. Marcos nagsalita na sa bigong ‘war on drugs’ ni ex-Pres. Du30

0 152

Advertisers

SA wakas nagkaroon din ng lakas ng loob si Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. na magsalita hinggil sa kontrobersiyal na “war on drugs” ng nakaraang administrasyong Duterte.

Sa panayam sa kanya ng media sa Amerika, nadulas si Dayunyor sa pagsagot. Aniya, maraming pang-aabusong ginawa ang Duterte administration sa drug war, sinabing ang mga sindikato sa droga ay lalo lamang lumaki, “stronger, wealthier, and more influential” at patuloy na nagiging dahilan ng “much criminality in the Philippines.” Mismo!

Kung inyong maalala, mga pare’t mare, sa unang tatlong taon ng Duterte administration nakapasok ang bilyon bilyong halaga ng shabu na idinaan pa mismo sa Manila International Container Port (MICP). Remember 2 magnetic lifters na natagpuan sa MICP na naglalaman ng P3.4 billion halaga ng shabu noong August 7, 2018? Tapos sinundan ng pagkadiskubre sa 4 pang magnetic lifters sa isang warehouse sa GMA, Cavite noon ding August 10, 2018. Bagama’t wala nang laman ang 4 lifters ay na-detect ng PDEA dogs ang traces ng shabu. Sinasabing nagkakahalaga ng P6.8 billion ang naging laman ng naturang lifters.



Bago ito, sa ikalawang taon ng Duterte govt. ay natuklasan ang shabu na nagkakahalaga ng P6.4 billion sa isang warehouse sa Valenzuela City noong May 27, 2017. Na ayon sa caretaker ng warehouse na si Fidel Anoche Dee, pang-apat na delivery ng shipments ang nahuling shabu. Nagsimula aniya ang shipment June 2016, sumunod ay January 2017, March 2017 at May 2017. Itong huling shipment ang nahuli.

Sa mga imbestigasyon ng Kongreso, nabanggit ang mga pangalan ng mga taong nasa likod ng shipments, mga kaibigan ng mga anak ni Digong.

Nagtaka rin noon si Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano kung bakit ‘di manlang nagsalita si Digong sa isyu gayung matindi ang kanyang kampanya kuno laban sa iligal na droga, kungsaan napakarami nang napatay na street drug pushers/addicts.

Isinapubliko rin noon ni Digong ang pangalan ng mga pulis, politiko, judges at huwis na sangkot daw sa illegal drugs. Pero hindi manlang nila nakasuhan. At ang mga sinasabing drug lords na dikit sa kanila ay hindi manlang nagalaw-galaw, sa halip ay nilinis pa ang pangalan. Remember Peter Lim, Michael Yang at yung mga Intsik sa likod ng P6.4 billion ng shabu sa Valenzuela City? Igo-google nyo nalang, mga pare’t mare…

Ito ang sinasabi ngayon ni Pres. Marcos na maraming pang-aabuso ang ginawa sa war on drugs ng nakaraang administration: Pinalakas lang ang drug syndicates, at ang mga pagpatay sa maliliit na pushers at addicts ay panakip-butas lamang sa totoong mukha ng kanilang “tokhang”.



Sabi nga ng bespren ni Digong na si Ramon Tulfo, naging “selective” ang war on drugs ng Duterte admin. Ang mga kalaban lang sa negosyong droga ang pinagtitigbak Mismo!