Advertisers

Advertisers

P55M jackpot ng 6/55 Grand Lotto na-solo winner

0 148

Advertisers

NAPANALUNAN ng isang masuwerteng mananaya ang P55 milyong jackpot prize sa 6/55 Grand Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na binola nitong Sabado ng gabi.

Solong napanalunan ng nasabing mananaya ang premyong P55,394,255.40 matapos makuha ang winning combination na 04-16-26-24-14-47.

Wala namang nanalo sa P33 milyong premyo ng 6/42 Lotto na isinagawa rin nitong Sabado. Ang winning combination ng nasabing palaro ay 26-02-24-35-04-28.



Ngayong Lunes, inaasahang magkakaroon ulit ng panibagong draw sa 6/55 Grand Lotto, habang sa susunod na Martes naman muling magsasagawa ng draw para sa 6/42 Lotto.

Nananatiling nasa 6/58 Ultra Lotto ang pinakamalaking jackpot prize ngayon ng PCSO na halos P100 milyon ang halaga.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">