Advertisers

Advertisers

‘MODUS’ SA NAIA BINUKING NG OFW!

0 181

Advertisers

VIRAL ang post ng isang overseas Filipino worker (OFW) na ibinunyag ang bagong modus ng ilang tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pinag-iingat ng netizen, Rinkashifu Miyakakishi Reyes, ang mga kapwa niya OFW na sasakay sa NAIA Terminal 2. Kwento niya, nangyari ang modus May 4 ng umaga habang nakapila siya sa check-in area. Isang staff ang tumawag sa kanya at pinapunta siya sa window 74. Hiningi ang kanyang passport saka sinabi na suspended ang flight nito.

“Me: “Huh? Bkit nasuspended?” In the back of my mind, Magme-message sa akin ang agency ng school namin ahead of time to inform me that my flight will be suspended, eh wala namang message ang agency,” post ni Reyes.



Doon na umano naganap ang sunod-sunod na kahina-hinalang procedure ng staff. Inilipat si Reyes ng flight mula PR736 patungo sa flight na pang-11:30.

Nang timbangin naman ang kanyang mga bagahe, nalaman na over baggage si Reyes, pero ang ikinagulat aniya umabot ng P11,000 ang kanyang babayaran at pinagbabayad siya sa online banking o GCash nang malaman na wala siyang dalang cash.

Tuloy-tuloy lang umano ang staff sa kanyang ginagawa saka binigay ang boarding pass ni Reyes at isang tissue.

Ayon pa kay Reyes, ganito ang kanilang naging usapan:

“Sabay labas nya sa window nya at sabi nya,” Ma’am sa akin nyo n lng po ipasa, andyan po sa tissue ung account ko.”



Me: “Magkano ang ipapasa ko?”

Staff (w74): “Kayo n po ang bahala. Pero 5k po ung nakalagay don”

Me: Nakalagay saan? (Ahh ako na pala ang bahala huh, mag-antay ka sa wala. matakaw ka!)”

Sumakay nalang umano si Reyes sa sitwasyon pero naging alerto na siya sa sumunod na eksena.

Pagkakuha ng boarding pass at na-check in ang kanyang bagahe, nangako nalang umano siya sa staff na i-o-online transfer ang P5,000. Sinabihan pa aniya siya na ‘May’ na lamang ang ilagay sa account name.

“In my mind, hala ito ang bago nilang modus. “I smiled at her and said, ok maam wait lang, maya-maya,” aniya.

Pero hindi pa dito natapos dahil may lumapit pa umano sa kanya na guwardiya, at nang malaman na OFW siya ay sinabing magpunta sa isang area para sa refund. Muli ring umeksena ang staff sa window 74 at sinabing maghintay na lamang siya para sa kanilang orientation. Gayunman, hindi na nakinig si Reyes sa kanila at nagtuloy-tuloy na sa kanyang flight.

Nang makapasok na siya at naghihintay na sa boarding gate, muli siyang nilapitan ng babaeng staff sa window 74 at sinisingil sa nasabing halaga, pero tumawad siya ng P2,000 na lamang ang ibabayad.

Pero hindi umano pumayag ang staff at pinilit siyang palabasin. Doon na nagalit si Reyes at sinabing hindi siya maaaring pababain lalo’t OFW siya at umaasa sa kanya ang pamilya niya.

Sa huli at wala umanong ‘nabudol’ kay Reyes.

“Ingat po tayo lalo n mga baguhang OFW. Wag po tayong papasindak!” aniya pa ni Reyes.