Advertisers
DUMATING na sa bansa ang mga labi ng 4 na Overseas Filipino Workers na namatay sa nangyaring sunog sa Taiwan.
Ang kanilang mga bangkay ay inilabas sa isang cargo center sa Parañaque City.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang opisina ng Manila Economic and Culture Office at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga naiwang kaanak ng mga biktima.
Inaasikaso na rin ng mga kinauukulan ang requirements upang tuluyan ng maiuwi ng kanilang pamilya ang labi ng apat na nasawi.
Matatandaang nilamon ng sunog ang isang factory ng Lian-Hwa Foods Corporation sa Changhua sa central Taiwan noong April 25.
Tiniyak naman ni MECO Chair Silvestre Bello III na makatatanggap ang mga pamilya ng biktima ng tulong mula sa gobyerno ng Pilipinas at Taiwan.